GMA Logo Joaquin Domagoso
Courtesy: GMA Public Affairs
What's Hot

Joaquin Domagoso to play trans woman character in 'Wish Ko Lang'

By EJ Chua
Published May 26, 2023 4:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

3 weather systems to bring rains over PH
Athletes from Talisay City, Cebu bag 3 golds in 33rd SEA Games
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News

Joaquin Domagoso


Kaabang-abang ang natatanging pagganap ni Joaquin Domagoso bilang trans woman sa bagong istoryang mapapanood sa 'Wish Ko Lang.'

Mapapanood ang award-winning actor na si Joaquin Domagoso bilang isang trans woman sa panibagong istoryang itatampok sa Wish Ko Lang ngayong Sabado, May 27.

Makikilala si Joaquin bilang si Ahra, isang trans woman sa istoryang pinamagatang 'Babae po ako,” na idinirek ni Rommel Penesa.

Hindi man tanggap ng kanyang ama at kapatid ang kanyang pagkatao, magsusumikap si Ahra para sa kanyang pamilya. Magtutungo siya sa Japan at doon magtatrabaho bilang isang dancer para kumita ng malaking halaga.

Kaabang-abang kung ano ang kanyang magiging buhay habang nasa ibang bansa hanggang sa magbalik siya sa Pilipinas.

Samantala, sa teaser video na inilabas ng programa tungkol sa bagong episode, kapansin-pansin agad ang husay ni Joaquin sa pag-arte.

Makakasama niya rito ang mga aktor na sina Jeric Raval, Royce Cabrera, Therese Malvar, Dianne Medina, at marami pang iba.

Huwag palampasin ang pangmalakasang mga eksena na ihahatid ni Joaquin at ng kanyang co-stars sa "Babae po ako" episode ng 'Wish Ko Lang.'

Sa kasalukuyan, may 1.6 million views na ang teaser video nito. Panoorin dito ang ilang mga pasilip sa episode na ipalalabas ngayong Sabado:

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para naman sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.

KILALANIN SI JOAQUIN DOMAGOSO SA GALLERY SA IBABA: