
Bilang mga aktor, hindi maiiwasan na magkaroon ng negatibong reaksyon ang Sparkle stars na sina Joaquin Domagoso at Zonia Mejia sa kanilang mga karakter sa Lilet Matias: Attorney-at-Law. Sa katunayan, pag-amin nila, minsan na rin nilang hinusgahan ang mga ito.
Sa Fast Talk with Boy Abunda, natanong sina Joaquin at Zonia ng batikang host kung naiisip ba nila ang mensaheng binibigay tuwing gumaganap sila ng isang negatibong karakter. Para sa aktor, inamin niyang meron siyang guilt na nararamdaman.
“There is a guilt, especially when 'yung co-artist mo 'yun pang parang naaapi or naaawa so sometimes, I feel like I'm personally doing 'yung mga nangyayari, 'yung mga ginagawa ng character or what,” sabi niya.
Pero kahit ganun, pinipilit pa rin niya umano gawin ang best niya sa kanyang projects.
“I even think of the worst things para maging tunay ako sa ginagawa ko po,” sabi niya.
Kailangan naman “into the character” si Zonia para mas magampanan ang kanyang role.
Aniya, “Kailangan ma-feel ko kung bakit ako nagmamaldita, bakit ko ito ginagawa coming from hindi naman siya personal experience, hindi siya galing sa sarili kong hugot.”
Dagdag pa ng aktres, kailangan maniwala siya sa kanyang sarili para “ma-portray ko at mapakita ko sa mga tao na totoo itong nangyayari.”
“I mean, nagagawa ko nang mabuti 'yung character ko kasi 'yun lang naman po 'yung trabaho namin, is magawa nang mabuti 'yung mga trabaho namin,” sabi niya.
BALIKAN ANG ILAN SA MGA PINAKABAGONG KAPUSO KONTRABIDA SA GALLERY NA ITO:
Inamin din ng aktres na noong una, hinuhusgahan niya ang karakter niyang si Trixie, lalo na at sobrang iba umano ito sa kanyang personality. Ngunit sa huli, sinabi niyang mas naintindihan na niya kung bakit nagagawa ni Trixie ang mga nagawa niya.
“After judging, na-realize ko na 'yung character ko, may reasons naman siya bakit siya nagiging ganun. May dahilan siya bakit siya nagiging masama, kung bakit niya ginagawa itong mga bagay na 'to,” sabi niya.
Dagdag pa ni Zonia, “Naintindihan ko na ganun lang talaga siya, I mean, sobra siyang magmahal kaya niya nagagawa 'yung mga bagay na 'yun.”
Para naman kay Joaquin, madalas ay nahuhusgahan niya lang ang kanyang karakter kapag wala siyang nakikitang rason kung bakit nito nagagawa ang mga bagay-bagay.
“'Yung sinabi nga ni Zonia, she'll think of the reason why the character's like this, because naapi siya ng papa niya or parang binugbog siya dati. If there's no reasons like that, ako po, I won't deny myself from doing the bad things, I'll do the bad things because I have to,” sabi niya.