
Mabigat ang mga eksenang napanood ngayong Martes sa GMA Afternoon Prime series na Lilet Matias, Attorney At Law, na pinagbibidahan ni Jo Berry.
Kasabay nito, nag-post si Jo sa Instagram ng ilang kulitan moments sa set kasama ang co-stars na sina Joaquin Domagoso at Zonia Mejia.
Biro ng aktres kina Joaquin at Zonia, "Mga beh, magsabi na kayo ng totoo, naguguluhan na ate n'yo Lilet!"
Hindi naman napigilang mapa-comment ni Rita Avila sa nakatutuwang post na ito ni Jo, sabi niya, "Ang nagsisinungaling, iti-treat ka!"
Maging ang ilang netizens ay naka-relate kay Jo, na gumaganap na Atty. Lilet, na "naguguluhan" na rin sa kaso nina Inno (Joaquin) at Trixie (Zonia) sa Lilet Matias, Attorney At Law.
Matatandaan na kinasuhan ng salang panggagahasa ni Trixie si Inno. Ngayong Martes, ipinagtapat ni Inno kay Atty. Lilet na may nangyari sa kanila ni Trixie pero, aniya, hindi ito "rape" at "consensual" ang nangyari. Tinanggap na rin ni Lilet na maging co-counsel ng defense team ni Inno.
Patuloy na subaybayan ang Lilet Matias, Attorney At Law, ang unang legalserye sa Pilipinas, Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Pinoy Hits. Available rin ito online via Kapuso Stream.
SAMANTALA, MAS KILALANIN SI JO BERRY SA GALLERY NA ITO: