
“I will accept if delayed 'yung flight, but hindi ko ma-accept na delayed 'yung suweldo.”
Isa lamang ito sa mga nakakatawang linya na binitawan ng patok na content creator na si Macoy Dubs, o Mark Averilla in real life, sa latest satire video niya na tungkol sa isang job exit interview.
Kinaaliwan ng netizens ang bagong content ni Macoy sa Facebook, kung saan kuhang kuha nito ang effect ng TV teaser ng showbiz talk shows.
Bumuhos din ang papuri ng netizens sa kulit video ni Macoy Dubs. Sabi ng isang nag-comment, “Bet na bet 'yung gray intense kineme hahahahaha”
Hirit naman ng isang pang netizen, “Kuhang kuha, facial expressions and all”
Ilan sa mga pinasikat na karakter ni Macoy Dubs online ay sina Twitter tita Auntie Julie at ang cool CEO na si Lisa B.
SILIPIN ANG ILAN SA VIRAL VIDEOS NI MACOY DUBS DITO: