
Bukod sa pamilya ni "Megastar" Sharon Cuneta, handa din si Jodi Sta. Maria na magpaabot ng tulong sa 21 katao na taga Sitio San Roque, Quezon City na inaresto matapos mag-protesta nang walang permit noong April 1.
Tumugon ang aktres sa tweet ng Bagong Alyansang Makabayan secretary general Renato Reyes Jr. na kinakailangan ng bail ng bawat isa na hindi baba sa Php 15,000.
Saad pa ng versatile actress na handa ito na magbayad ng bail sa apat sa kanila.
Ilan pa po ang kailangan? https://t.co/jy3O30ul5S
-- Jodi Sta.Maria (@JodiStaMaria) April 3, 2020
Nag-protesta ang mga tao sa Sitio San Roque para manawagan ng tulong sa gobyerno, dahil sa enhanced community quarantine na tatagal pa ng April 14 dahil sa COVID-19 pandemic.
Marami sa kanila ang mahihirap at hindi makapag-trabaho simula nang ipinatupad ang Luzon-wide quarantine.