
Diretsahang sinagot ni Joel Cruz ang tanong tungkol sa kanyang love life.
Ito ay ipinakita niya sa kaniyang vlog kung saan naging guest siya sa programang Showbiz Pulis.
Tinanong siya ng host na si Roldan Castro kung nagkaroon na ba siya ng karelasyon na artista.
“Meron,” maikling sagot ni Joel.
PHOTO SOURCE: Joel Cruz Official
Ibinahagi rin niya na kahit nauwi sa hiwalayan ang dating relasyon, nananatili pa rin ang respeto at pagmamahal niya sa mga naging karelasyon.
"Ako naman kasi kapag nagkaroon ako ng ganoong relationship, chine-cherish ko 'yun forever. Kahit wala na kami, minamahal ko pa rin talaga. 'Yung pagmamahal ko, hanggang pamilya nila, minamahal ko."
Nang tanungin naman kung nananatili pa rin ang komunikasyon at pagkakaibigan nila ng mga dating partner, sinabi niyang maayos pa rin ang kanilang samahan.
“Nandoon pa rin. Friendship na talaga,” dagdag niya.
Nausisa rin si Joel kung ilan ang naging karelasyon niya sa showbiz.
“Sa showbiz, siguro dalawa,” sagot niya.
Samantala, balikan ang buhay ni Joel Cruz kasama ang kaniyang walong anak dito: