
Inilahad ni Joel Cruz kung paano niya binibigyan ng oras ang kaniyang walong anak kapag siya ay hindi busy sa kaniyang mga negosyo.
Si Joel ay kilala bilang isang negosyante at sumikat bilang "Lord of Scents" dahil sa kaniyang perfume business.
Siya rin ay isang single parent sa walong anak na sina Prince Sean, Princess Synne, Prince Harvey, Prince Harry, Charles, Charlotte, Zaid, at Ziv. Ipinanganak sila sa Russia through surrogacy.
Kuwento ni Joel sa Sarap, 'Di Ba?, ang weekends ay nakalaan para sa mga anak.
RELATED GALLERY: Joel Cruz's beautiful photos with his eight adorable kids
"Saturday and Sunday doon 'yung time ko sa mga anak ko. Wala kaming work."
Kapag weekdays, sinisiguro naman ni Joel na magkakasabay sila kumain ng hapunan para makapag-bonding.
"Weekdays, Monday to Friday mayroon silang school. Nagsasabay kami ng dinner time from seven hanggang nine o'clock. Two hours sa akin sila. Sabay kami mag-dinner, then we talk."
Ayon pa kay Joel, mayroon silang tinatawag na meeting.
"Kahit bata lang, nagmi-meeting kami. Minsan kukumustahin ko 'yung araw nila, 'pag may balita rin na may nangyari sa school na hindi maganda or sa sports nila, so I have to talk to them."
Dugtong pa ng kilalang entrepreneur, may oras din na kinakausap niya ng one on one ang mga anak.
"Minsan kakausapin ko sila ng one on one, pero pinaparinig ko rin ito sa iba kasi may matututunan din sila e doon sa mali ng isa."
Balikan ang kuwento ni Joel Cruz bilang single parent sa Sarap, 'Di Ba?
SAMANTALA, BALIKAN ANG MGA LARAWAN NG WHITE HOUSE NI JOEL CRUZ SA BAGUIO: