
Para sa primyadong aktor na si Joel Torre, kabilang ang namayapang aktres na si Cherie Gil at Forever Young star Euwenn Mikaell sa mga nais niya sanang makasama sa isang hapunan kung bibigyan siya ng pagkakataon.
Sa Fast Talk With Boy Abunda nitong Biyernes, December 6, hiningi ni King of Talk Boy Abunda ang ilang mga pangalan ng artistang gusto sanang makasama si Joel sa isang hapunan para makakuwentuhan at makakumustuhan.
Ani Joel, “Unang-una iimbitahan ko siguro si Ronnie Lazaro kasi magkaibigan [kami]. When we started together, we're on Oro, Plata, Mata and I would like to have invited Cherie Gil because we were so close. I think I've made more movies with Cherie than any other leading lady. Bihira ka magkakaroon ng babae na kaibigan.”
Gusto rin umano makasama sa hapag kainan ng batikang aktor ay si Vic Silayan dahil gusto niyang ma-explore ang era ng Philippine cinema noong panahon ng kapwa niya aktor. Bukod pa riyan ay iniidolo rin niya kasi si Vic.
Dagdag pa ni Joel, gusto rin niyang makasama sa hapunan ng direktor at cinematographer na si Mike de Leon dahil sa pagyanig na ginawa ng pelikula nitong 'Kisapmata' sa kaniya.
TINGNAN KUNG PAANO NAPAPANATILI NI JOEL ANG LONGEVITY NIYa SA SHOWBIZ SA GALLERY NA ITO:
Nang tanungin naman ng batikang TV host ang aktor kung sino sa mga batang aktor ang gusto niyang makasama, binanggit niya sina Sid Lucero at ang Lolo and the Kid co-star niyang si Euwenn Mikaell.
“I see this boy, magkasama kami sa 'Lolo and the Kid,' it was such a phenomenon and everybody's raving about Euwenn. I want this boy to really succeed kasi nakikita ko sa kaniya 'yung sarili ko nu'ng bata pa 'ko when I was doing theater,” pagtatapos ng aktor.