GMA Logo Joem Bascon at Meryll Soriano
What's on TV

Joem Bascon at Meryll Soriano, handa na ring magpakasal

By Jimboy Napoles
Published May 30, 2024 5:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Filipinas in Kyiv choose their families and the lives they’ve built amid the war
Visually impaired soldier promoted from captain to major

Article Inside Page


Showbiz News

Joem Bascon at Meryll Soriano


Gusto munang mamanhikan ni Joem Bascon sa pamilya ni Meryll Soriano bago sila ikasal.

Nasa plano na rin ng celebrity couple na sina Joem Bascon at Meryll Soriano ang pagpapakasal. Ito ang kanilang masayang nilinaw sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Huwebes, May 30.

Matagal na ring magkarelasyon sina Joem at Meryll. Noong 2020 nang unang mapabalitang nagkabalikan ang dalawa matapos silang maghilaway noong 2009.

January 2021 naman nang ipanganak ni Meryll ang anak nila ni Joem na si Gideon o Baby Gido.

Kaya naman tanong ng batikang TV host na si Boy Abunda kina Joem at Meryll, “Do you have plans of getting married?”

Sandali namang natahmik ang dalawa bago pabirong sumagot si Meryll, “Joem ikaw ang sumagot niyan pangit kung sa babae manggagaling.”

“A, ako ba? Yes,” nakangiting sagot ni Joem.

Ayon kay Joem, kahit mataal na silang nagsasama ni Meryll, gusto niya pa ring mamanhikan sa pamilya nito lalo na sa magulang ng nobya na sina Willie Revillame at Becbec Soriano bago sila ikasal.

Aniya, “Kailangan ko pa ring pagdaanang magpaalam sa lahat ng tao. Medyo old school pa rin ako e. Hindi naman puwedeng diretsahan sa kaniya. Kailangan ko ring tanungin din sa parents niya, 'yung parents ko sasabihan ko.

“So, kailangan kong magbigay-pugay with everyone to get her beautiful hands.”

RELATED GALLERY: Celebrity weddings to watch for in 2024