
Ngayong July 30 na gaganapin ang “FORTYfied: The Repeat” concert ng OPM hitmaker na si Joey Albert. Pagbabahagi ng singer, naging posible lang ito dahil sa tulong ng kaibigan at kapwa singer na si Pops Fernandez.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, July 23, ibinahagi ni Joey na pagkatapos ng online concert niya para ipagdiwang ang ika-40 na anibersaryo sa industriya, gusto naman niyang ipagdiwang ang ika-45 nang live.
“So, I talked to Pops, I was here for—I can't remember which show, I think, hers—and so we were having breakfast one day and I said, 'Sana I wanted to do my 45th. There's naman these two, three producers, they said they wanted to do it, pero parang they never got back na to me,'” pagbabahagi ni Joey.
“And then complaining and venting, and Pops just looks at me, and says, 'Girl, baka naman you forgot, I'm also a producer,'” pagpapatuloy ni Joey.
Pag-amin ng OPM hitmaker, hindi naman niya tatanungin ang kaibigan kung maaari nitong iprodyus ang kaniyang concert dahil nakakahiya. Kaya naman, laking tuwa at pasasalamat niya nang alukin siya ng singer-producer na gawin ito para sa kaniya.
BALIKAN ANG MEMORABLE CONCERT NG PINOY CELEBRITIES NGAYONG 2026 SA GALLERY NA ITO:
Noong April 25, matagumpay na ginawa ni Joey ang kanyang anniversary concert.
“By God's grace, ewan namin ni Pops talaga, na-shock kaming dalawa, the week of the show, sold-out na siya,” sabi ni Joey.
Dahil dito, nasabi ni Pops na kailangan nilang gawin ulit ang concert, ani Joey, “And we did, so she scheduled it for July 30 and yesterday, she texted me, we're officially sold out again. She's a great producer.”
Panoorin ang panayam kay Joey dito: