GMA Logo Joey Albert on Fast Talk with Boy Abunda
Source: Fast Talk with Boy Abunda
What's on TV

Joey Albert on her three cancer diagnoses: 'It's really just one foot in front of the other'

By Kristian Eric Javier
Published July 24, 2026 10:09 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: July 24, 2026
Man drowns after boat capsizes in Maguindanao del Norte
The Young Achievers Podcast: Niana Guerrero's 'incredible' dance collabs

Article Inside Page


Showbiz News

Joey Albert on Fast Talk with Boy Abunda


Ibinahagi ni Joey Albert kung papaano siya naihanda para sa kaniyang cancer.

Tinaguriang “miracle story” ang paglaban ni OPM hitmaker Joey Albert sa tatlong uri ng cancer matapos niyang mapagtagumpayan ang mga ito. Pag-amin ng singer, hindi naging madali ang kaniyang laban, ngunit napaghandaan naman niya ito.

“You know, it's really just one foot in front of the other when it's something like that, and hope, and faith,” sabi ni Joey sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, July 26.

Ayon kay Joey, una pa lang, alam na niya na may posibilidad na magkaroon siya ng cancer dahil pumanaw ang kaniyang ama at ate dahil dito. Sabi ng OPM hitmaker, meron siyang Lynch syndrome, isang genetic condition kung saan mas mataas umano ang risk ng pagkakaroon ng cancer.

“Nu'ng finally, nangyari na sa 'kin, actually, siyempre tuwing nangyayari, iisipin mo, 'Ito na ba, Lord? Ito na ba, Lord?' Pero alam mo, dahil siguro nakita ko na 'yung daddy ko at saka ate ko, parang there was a part of me na talagang parang naghahanda na lang,” sabi ni Joey.

Dahil dito, naging mas maingat si Joey sa bawat araw ng kaniyang buhay. “Every moment of my life, every decision I made, sinubukan ko talaga at sinikap kong gawing desisyon para sa kabutihan ng pamilya ko, ng mga anak ko, ng asawa ko, or ng mga naniwala sa 'kin throughout my career.”

“At least alam ko na 'pag may nangyari sa 'kin, maganda na 'yung naiwanan ko,” dagdag pa ni Joey.

Sa kabila ng sakit, ipinakita pa rin ni Joey na nananatili siyang malakas at matatag dahil sa turo umano ng kaniyang ina na huwag magpakita sa mga taong naghihirap siya. Kaya naman, sa tuwing bumabalik siya sa bansa, pinapakita niyang tila walang nangyari sa kaniya.

“But you know, it helps you also to carry that burden joyfully kasi kaya na-i-inspire 'yung mga tao, natuto rin sila na nakita nila na 'Kung kaya ni Joey, kaya ko rin,'” paglalahad pa niya.

Pero paglilinaw niya, “Hindi ko itatago, hindi naman ako magkukunwari. Siyempre, mahirap at saka masakit na masakit na masakit 'yung chemo, masakit 'yung side effects, mahirap din na nakikita mo na parang nauubos 'yung buhok konti-konti, at saka parang 'yung uncertainty, I think also the uncertainty na, of course, yes, laban ka nang laban nang laban, pero hindi mo rin naman talaga alam kung hanggang saan ka dadalhin ng paglalaban mo.”

KILALANIN ANG IBA PANG CELEBRITY CANCER SURVIVORS SA GALLERY NA ITO: