
Naghahanda na si Joey de Leon sa kanyang art exhibit na gaganapin sa Makati sa susunod na buwan.
Noon pa man ay mahilig na sa arts si Joey. Makikita ito sa painting collections sa kanyang tahanan at pati na sa dalas ng kanyang pagpipinta.
Nitong quarantine, mas maraming panahon ang naigugol ng dabarkad sa paggawa ng artwork. Ilan sa kanyang paintings ay kanya nang ibinahagi sa kanyang social media account.
At sa dami ng kanyang naipinta ay handa na siya para bumida sa isang art exhibit.
Aniya, “Getting ready for my Art Exhibit next month at Finale Art File in Makati, “JOEY DE LEON IN THE HOUSE! (Art...Work From Home)” Tell your friends about this. Bibira lang ito! Pay attention! pay a visit to my exhibit! Better yet, you PAY! He, he...joke lang!”
Ang art exhibit ni Joey ay mangyayari simula February 11 hanggang March 5, 2021.
Kilalanin pa ang ibang celebrities na ginawang hobby ang pagpipinta ngayong may quarantine sa gallery sa ibaba: