GMA Logo Joey De Leon, Apo Hiking Society, TVJ
Source: angpoetniyo (Instagram)
What's Hot

Joey de Leon shares throwback photo with Apo Hiking Society

By Jimboy Napoles
Published November 4, 2022 2:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NAPOLCOM warns, urges public to report fake socmed pages
Matibay na tulay, ipinatatayo sa Brgy. Puray ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras
18-year-old student arrested in Dagupan drug bust

Article Inside Page


Showbiz News

Joey De Leon, Apo Hiking Society, TVJ


Basahin ang naging pamamaalam ni Joey de Leon sa kanyang kaibigan na si Danny Javier, DITO:

Idinaan sa isang throwback photo ng Eat Bulaga host na si Joey de Leon ang pamamaalam sa namayapang kaibigan at OPM singer na si Danny Javier.

Sa Instagram, ibinahagi ni Joey ang larawan niya noon kasama sina Vic Sotto, Tito Sotto at Apo Hiking Society kasama sina Danny, Jim Paredes, at Boboy Garovillo na kinunan habang sila ay magkakasamang nagpe-perform.

Isang post na ibinahagi ni Joey de Leon (@angpoetnyo)

"Ang larawang ito ay nasa aklat na 'Unang Tatlong Dekada' ng Eat Bulaga," caption ni Joey sa kanyang post.

Sa naturang post, may maikling kuwento rin si Joey sa naging pagsasama nila noon ng Apo at ni Danny sa ilang mga TV shows.

Aniya, "Magkakasama kami ng APO sa aming kauna-unahang TV Show noong early '70s, 'Okay Lang' sa TV 13, a musical gag show. We played Poker minus Jim. May utang pa nga akong 500 pesos kay Boboy hanggang ngayon!"

Sa huling bahagi ng kanyang caption, dito na pasimpleng namaalam si Joey sa kanyang kaibigan.

"We did 'Jesus Christ Superstar' on TV. Kung baga sa Poker, out ka na muna Danny. Next deal ka na lang pare! Rest in peace sounds like BETS PLEASE!," saad niya sa kanyang post.

Ayon sa isang Facebook post ng anak ni Danny nitong Lunes, October 31, 2022, "Complications due to his prolonged illnesses" umano ang dahilan ng pagkamatay ng batikang singer.

Samantala, mapapanood naman si Joey sa pelikulang The Teacher kasama si Toni Gonzaga sa Metro Manila Film Festival 2022 ngayong Disyembre.

SILIPIN ANG TOUCHING TRIBUTES NG MGA CELEBRITIES SA KANILANG MGA PUMANAW NA MAHAL SA BUHAY SA GALLERY NA ITO: