GMA Logo Joey de Leon and Toni Gonzaga
Source: celestinegonzaga (Instagram)
What's Hot

Joey de Leon, balik-eskuwela sa bagong pelikula kasama si Toni Gonzaga

By Jimboy Napoles
Published September 28, 2022 1:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Short-lived' La Niña to affect PH until early 2026 —PAGASA
4 hurt in Maguindanao del Sur explosion
A for A On Playlist

Article Inside Page


Showbiz News

Joey de Leon and Toni Gonzaga


Bibida sa MMFF 2022 film na 'The Teacher' sina Joey de Leon at Toni Gonzaga.

Kaabang-abang ang pagbabalik big screen ng Eat Bulaga host na si Joey de Leon kasama ang dating dabarkads na si Toni Gonzaga sa pelikulang The Teacher.

Ang naturang pelikula ay isa sa mga kalahok sa Metro Manila Film Festival ngayong taon na ididirehe ng mismong mister ni Toni na si Paul Soriano.

Sa Instagram, ipinasilip ng TV host-actress ang ilang mga larawan ng kanilang magiging karakter ni Joey sa nasabing pelikula.

"My Teacher...#mmff2022," caption niya sa kanyang post.

Isang post na ibinahagi ni Toni Gonzaga-Soriano (@celestinegonzaga)

Makikita rito na nakasuot ng uniporme ng estudyante si Joey habang nakauniporme naman na pang-guro si Toni.

Spotted din sa nasabing mga larawan ang dating First Lady actress na si Kakai Bautista na nakasuot din ng uniform ng isang teacher at dating Widow's Web actress na si Pauline Mendoza naman bilang estudyante.

Wala pa mang inilalabas na trailer o iba pang detalye tungkol sa pelikula, nagbigay na ng suporta ang kaibigan at kapwa TV host ni Toni na si Mariel Rodriguez-Padilla.

"Omggggggg wow! No exag na-goosebumps ako hehehehe," komento ni Mariel.

Maituturing na reunion nina Joey at Toni ang nasabing pelikula dahil minsan na ring naging host ng longest-running noontime show sa bansa na Eat Bulaga si Toni noong 2022 hanggang 2005 kung saan nakasama niya ang tinaguriang 'henyo master.'

Tumutok naman sa Eat Bulaga, Lunes hanggang Biyernes, 12 p.m.; at tuwing Sabado, 11:30 a.m. sa GMA.

SILIPIN ANG MASAYANG PAMILYA NI JOEY DE LEON SA GALLERY NA ITO: