
May nakatutuwang throwback photo ngayon ang Eat Bulaga host na si Joey de Leon sa Instagram kasama ang batikang aktres na si Vilma Santos-Recto o Ate Vi.
Sa naturang larawan, makikita ang panggagaya noon ni Joey sa look ni Ate Vi at nagpa-picture pa ito katabi mismo ang aktres.
Mula sa hairstyle, salamin, pearl earrings, at gold necklace, ay kuhang-kuha ng batikang komedyante ang itsura ng tinaguriang Star For All Seasons.
"BAR-VI," simpleng caption ni Joey sa kanyang post.
Samantala, agad namang nagkomento si Vilma sa throwback post na ito ni Joey at sinabing na-mi-miss niya na ang comedian-TV host.
"Sir Joey, ate Vi here. Iba ka talaga napaka-talented mo. Genius! Lagi kita napapanood. Miss you my friend!," ani Ate Vi.
"Ha ha ha nahalungkat ko habang nag-aayos ng album library, VIP days yan! Actually may mas luma pa dyan! Bakit ba ang gaganda natin pag luma? Ngek! God bless you!," sagot naman ni Joey.
Samantala, mapapanood naman si Joey sa pelikulang The Teacher kasama ang actress-host na si Toni Gonzaga sa Metro Manila Film Festival 2022 ngayong Disyembre.
Bukod dito, patuloy din na mapapanood si Joey sa Eat Bulaga, Lunes hanggang Biyernes, 12 p.m.; at tuwing Sabado, 11:30 a.m. sa GMA o bisitahin ang Eat Bulaga show page sa GMANetwork.com.
SILIPIN NAMAN ANG TRAVEL GOALS PICTURES NINA JOEY DE LEON AT KANYANG ASAWA SA GALLERY NA ITO: