
Siguradong funtastic Monday (July 7) ang mapapanood sa Family Feud dahil maglalaro sina Joey Marquez, Anjo Yllana, Eric Fructuoso, at Jao Mapa!
Ultimate battle of generations ang mapapanood ngayong Lunes dahil makakaharap ng cool celebrity dads ang kanilang dashing and dynamic na mga anak.
Mamumuno sa team na Cool Dads ang actor-comedian na si Joey Marquez. Makakasama niya sa Family Feud ang funnyman na si Anjo Yllana, at ang dalawang Gwapings turned handsome dads na sina Eric Fructuoso and Jao Mapa.
Ang team Anak ng Pogi ay pinangungunahan ng anak ni Joey Marquez na si Vitto Marquez, aspiring actor na mahilig sa basketball at mobile games. Kasama niya na magpapakita ng husay sa Family Feud si Jaime Yllana, ang anak ni Anjo na Psychology student at aspiring actor; si Damian Fructuoso, ang anak ni Eric na honor student at nangangarap na maging professional drummer at pianist; at ang anak ni Jao na si Caleb Mapa, na nagmana ng husay sa pagpinta, Fine Arts student sa UST, at hobby ang paglalaro ng pickleball.
Abangan ang famous father-son duos sa Family Feud stage ngayong July 7!
“Happiness Overload” ang hatid ng Family Feud kaya subaybayan ang fresh episodes Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.
Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess to Win promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 20,000.