Celebrity Life

Joey Marquez, excited nang alagaan ang kanyang apo sa anak niyang si Winwyn Marquez

By Marah Ruiz
Published May 6, 2022 4:08 PM PHT
Updated May 9, 2022 7:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Magna Carta of Filipino Seafarers: What It Means for Those Who Live Life at Sea
Filipino sustainability champion named to World Economic Forum's Young Global Leaders 2026
GMA Kapuso Foundation, namahagi ng tulong sa mga apektado ng mahal na langis sa Mt. Province sa ilalim ng Operation Bayanihan Project | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Joey Marquez


Ready na si Joey Marquez na alagaan si Luna Teresita Rayn, ang apo niya kay Winwyn Marquez.

Source of joy ng pamilya ang bagong silang na anak ni Kapuso actress and beauty queen Winwyn Marquez na si Baby Luna Teresita Rayn.

Source: teresitassen (IG)

Nagbigay naman ng update ang daddy ni Winwyn na si actor-comedian Joey Marquez tungkol sa anak.

"Recovering na siya. Kalalabas lang niya two days ago. Ngayon nasa bahay lang siya, gaining her health back," pahayag niya.

Excited na rin daw si Joey na maka-bonding ang apo.

"Naku, nagdi-deal na kami [ni Winwyn]. Sabi ko bumalik ka na sa trabaho at ako na mag-aalaga sa apo ko," aniya.

Samantala, nakatakdang bumida si Joey sa family drama comedy na Don't Leave Me Bebe, ang upcoming episode ng weekend anthology series na Regal Studio Presents ngayong parating na Linggo.

Gaganap siya dito bilang biyudong single dad na makakaranas ng empty nest syndrome dahil sa napipintong pag-aasawa ng nag-iisa niyang anak.

"Typical na protective 'yung ama. Typical na nangyayari sa atin mga Pilipino na overprotective tayo sa mga anak natin. Lalo na sa babae, ayaw nating mawalay sa atin," pahayag ni Joey tungkol sa kanyang karakter.

Si Kapuso actress Rere Madrid naman ang gaganap bilang anak niyang si Milana.

May mahalagang lesson daw na mapupulot ang mga manonood sa kanilang episode.

"Kung gaano niya kamahal at pipiliin pa rin niya 'yung tatay niya, even though may mahal na siya, may bofriend na siya," lahad ni Rere.

Abangan sina Joey at Rere sa Don't Leave Me Bebe, May 8, 4:35 p.m. sa Regal Studio Presents.

Panoorin ang buong ulat ni Lhar Santiago para sa 24 Oras sa video sa itaas. Mapapanood rin ito DITO.