
Mahigit isang linggo matapos mag-guest sa special event ng isang e-shopping platform, nakipagkita naman si John Lloyd Cruz kay GMA Pictures president and programming consultant to the GMA chairman Annette Gozon-Valdes ngayong gabi, June 14.
Hindi ito ang unang pagkakataon na nag-usap ang dalawa. Matatandaan isa ang GMA executive sa mga naging instrumento sa pagbabalik telebisyon ng award-winning actor.
Sa katunayan, sa live show ng nasabing special event, pinasalamatan ng aktor ang Kapuso executive.
Sambit ng aktor, "Bakit wala ka dito ma'am? Hindi, d'yan ka lang. Kung pwede, kami ang pupunta sa 'yo. Pahinga ka muna, pahinga ka at magkikita rin tayo."
At ngayong gabi, natupad na nga ito.
Sa Instagram, isang matipid na post ang ibinahagi ni Annette tungkol dito.
"At last nagkita na kami. Exciting times ahead! Abangan! "
Wala pang gaanong detalye ang lumabas mula sa pagkikita na ito, pero tiyak na marami na ang nag-aabang kung anong klaseng proyekto ang inililinya para kay John Lloyd.
Isa kayang teleserye? O di kaya pelikula? Kung ano man ang niluluto para sa aktor, tiyak na kaabang-abang ito para sa mga manonood na matagal nang hindi nakikita si John Lloyd na umarte.
Manatiling nakatutok sa www.GMAnetwork.com.
Samantala, balikan ang mga kaganapan sa television come-back ni John Lloyd Cruz dito: