
Kasalukuyang ipinapatayo nina John Prats at Isabel Oli ang dream house ng kanilang pamilya.
Sa latest post ni John sa Instagram, makikita ang ilang photos nila ni Isabel na mayroong kaunting pasilip sa pinapagawa nilang tahanan.
Related gallery: The heartwarming moments of John Prats and Isabel Oli's family of 5
Kakabit ng kanilang photos ay ang caption ni John, kung saan mababasa na excited na sila ni Isabel na bumuo ng marami pang magagandang memories kasama ang kanilang mga anak.
“Eto na ang pangarap naming na tahanan. Super excited to create more beautiful memories with our kids,” sulat ng actor-director.
Ayon pa kay John, lubos nilang ipinagpapasalamat ang mga biyaya na kanilang natatanggap.
“Thank you, Lord God, for everything. We lift it all to You,” dagdag niya.
Matatandaang isinagawa ang groundbreaking para sa dream house ng Prats family noong May 2024.
Ang celebrity couple na sina John at Isabel ay loving at hands-on parents sa kanilang tatlong anak na sina Lilly Feather, Daniel Freedom, at Lilla Forest.
RELATED GALLERY: CELEBRITIES BUILDING THEIR NEW HOMES IN 2024