
May bagong kantang ilalabas ang Kapuso pop ballad singer na si John Rex, ang "Umaasa Pa Rin," na mapapakinggan na ngayong Biyernes, March 20, sa iba't ibang digital music platforms worldwide.
Ayon kay John Rex, ang "Umaasa Pa Rin" ay ballad revival ng well-loved original ng bandang The Mike Bon Gang, na ginamit na theme song para sa Koreanovela series na Reply 1997, na napanood sa GMA Network noong August 2015.
"It's a written song na talaga siya, ten years ago. Ginamit siya sa isang Koreanovela dito sa GMA. Ginawa na siyang OST. 'Yung original is a rock version. So ngayon 'yung ire-release namin na 'Umaasa Pa Rin,' it's more on slower version, medyo ballad siya, pero may ibang tweak kaming ginawa kasama ang GMA Music," sabi ni John Rex sa interview ng GMANetwork.com.
Nang tanungin kung paano siya nakaka-relate sa song, sagot niya, "As a person, I hope for a lot of things. Umaasa rin ako na maging… [halimbawa], I have something na ginawa ko, umaasa rin ako na magiging fruitful 'yon.
"Parang lahat naman tayo, feeling ko, 'pag mayroon tayong nilu-look forward like umaasa tayo in a good way. I mean, umaasa tayo sa lahat ng better na dumating sa buhay natin.
"So, for me, 'Umaasa Pa Rin,' it's not just pagdating sa love, pero umaasa rin na mayroong magandang dumating sa buhay natin."
Pre-saved "Umaasa Pa Rin," DITO.
SAMANTALA, MAS KILALANIN SI JOHN REX SA GALLERY NA ITO: