
May ayos na ayos na papremyo ang All-Out Sundays, mga Kapuso!
Manood lang ng All-Out Sundays tuwing Linggo ng tanghali at abangan ang mystery word sa bawat episode.
Isa-isang babanggitin ng hosts ang letra ng mystery word, hanggang sa matapos ang programa. Matapos makuha ang huling letra at mabuo ang mystery word, i-send ang inyong sagot sa All-Out Sundays Ayos Panalo Promo page kasama ang inyong pangalan, email address, mailing address, at contact number. Maaring mag-submit ng sagot hanggang 2:00 ng hapon.
Ang limang unang makakasagot ng tama ay makakatanggap ng text o tawag mula sa All-Out Sundays at mabibigyan ng 1,000 pesos.