GMA Logo jomar yee and spencer serafica on fast talk
What's on TV

Jomar Yee at Spencer Serafica, di makapaniwalang nakapasok sa 'Mga Batang Riles'

By Kristian Eric Javier
Published January 23, 2025 2:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PBA: Head coach LA Tenorio activated for Magnolia; Andrada, Abis also get green light
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

jomar yee and spencer serafica on fast talk


Alamin kung paano napabilang sina Jomar Yee at Spencer Serafica sa 'Mga Batang Riles' dito:

Malaki ang pasasalamat ng Tiktok content creators na sina Jomar Yee at Spencer Serafica na mapasama sa GMA Prime action drama series na Mga Batang Riles. Dito, gumaganap sila bilang ang kambal na sina Lulu at Lala na mga anak ni Pol, ang karakter naman ni Roderick Paulate.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, January 22, sinabi ni Jomar na hindi rin nila alam kung bakit sila ni Spencer ang napiling mapasama sa naturang serye. Nang tanungin daw nila ito sa production, ang sabi ay sila umano ang nababagay sa mga karakter nila ngayon.

“Hindi po kami nag-audition, talagang ayun lang po,” pagpapatuloy ni Jomar.

Kuwento naman ni Spencer, unang tinawagan si Jomar ng production para sa role, habang siya naman ay nakatanggap ng mensahe na inaalok siyang mapabilang sa serye.

“At first, hindi ko po alam na kasama ko siya [Jomar], siya 'yung kakambal ko du'n. Siya si Lala, ako si Lulu. Ta's nu'ng tinawagan niya 'ko, 'Huy, kasama pala kita sa MBR, ganyan-ganyan.' 'Sige-sige, wait lang, kakausapin ko na 'yun,'” pag-alala ni Spencer.

Aniya, noong araw din na 'yun na pumayag sila ay pinapunta na kaagad sila sa set para mag-taping.

MAS KILALANIN PA SINA JOMAR AT SPENCER SA GALLERY NA ITO:

Ibinahagi naman ni King of Talk Boy Abunda ang opinyon niya kung bakit nakuha sina Jomar at Spencer. Aniya, ito ay dahil napakahusay ng dalawang content creators sa kanilang ginagawa.

“Alam niyo po ba, very first scene na si Jomar... si Lulu at saka si Lala ay lumabas sa Mga Batang Riles ay trending kaagad,” sabi ng batikang host.

Panoorin ang buong panayam kina Jomar at Spencer dito: