GMA Logo jomar yee
What's Hot

TikTokerist na si Jomar Yee, sasabak sa aktingan sa 'Wish Ko Lang'

By Racquel Quieta
Published August 12, 2021 2:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Angelina Jolie bares mastectomy scars in magazine feature
'Puno Ng Puso Ang Paskong Pinoy' (2025 GMA Christmas Station ID Jingle) official audio released
4 entrapped in Mandaue City for land title scam

Article Inside Page


Showbiz News

jomar yee


Ang sikat na TikTokerist na si Jomar Yee, sa 'Wish Ko Lang' naman magpapamalas ng kanyang acting skills.

Isa ang internet sensation na si Jomar Yee sa mga kinagigiliwan ng netizens sa social media platform na TikTok.

Kasalukuyan nang may 205.4 million likes at 7 million followers si Jomar sa TikTok at karamihan sa kanyang skits ay inspired ng Kapuso hit series na Encantadia.

At ngayong Sabado, August 14, mapapanood si Jomar sa isa ring iconic Kapuso program, ang bagong Wish Ko Lang, na nagdiwang ng kanilang 19th anniversary nitong Hulyo.

Kabilang si Jomar sa cast ng “Babaeng Unggoy” episode, kung saan makakasama niya ang mga batikang aktres na sina Manilyn Reynes, Gladys Reyes, Tina Paner, at Almira Muhlach, pati rin ang Ang Dalawang Ikaw actress na si Anna Vicente at ang aktor na si Ahron Villena.

babaeng unggoy poster

Ang Babaeng Unggoy episode ng bagong 'Wish Ko Lang' / Source: Wish Ko Lang

Ayon kay Jomar, napakasaya niya na napasama siya sa cast ng nasabing bagong Wish Ko Lang episode.

“Sobrang saya lang po talaga sa feeling kasi siyempre hindi naman ako magiging part ng 'Wish Ko Lang' kung hindi n'yo po na-appreciate 'yung acting skills ko,” ani Jomar. “Iba po talaga 'yung tuwa nung nakita ko na ang mga makakasama ko um-acting, lalo na po nung nalaman kong veteran 'yung makakasama ko.”

Hindi raw naiwasan ni Jomar na kabahan noong una pero naging smooth at masaya naman daw ang acting experience niya sa “Babaeng Unggoy” episode.

“Actually, hindi po talaga maiiwasan 'yung kaba lalo na 'pag first time mo at 'yung makaka-aktingan mo pa is sobrang veteran na sa pag-aartista.

“Sobrang kaba ko lang kasi baka magkamali ako or what, pero siyempre I did my best para makisabay at go with the flow lang talaga.

“And ayon sobrang na-amaze ako sa nangyari kasi wala akong mali as in tuloy-tuloy lang. Ang saya lang talaga!”

babaeng unggoy scene

Sina Manilyn Reynes, Anna Vicente at Jomar Yee / Source: Wish Ko Lang

Pinaka-memorable at challenging daw para kay Jomar ang fight scene na kanilang ginawa.

“Actually, 'yung fight scene po. Hahaha! Kasi po habang nakikipag-away ako sobrang natatakot po ako na baka masaktan ko 'yung mga artista, kaya 'di ko po talaga makakalimutan 'yon.”

Nakatutuwa rin ang naging sagot ni Jomar nang tanungin kung anong brilyante ang ginamit niya para sa acting stint niya sa bagong Wish Ko Lang.

“Para po sakin brilyante ng apoy para 'lavan' lang. Matapang, ganon, tapos kinakatakutan. Hahahaha! Charot lang po,” biro ni Jomar. “Siyempre 'yung brilyante ng inang reyna para smooth lang, ganon, tapos mapayapa.”

At wish din daw ni Jomar na makapag-guest sa ibang Kapuso program matapos ang kanyang appearance sa bagong Wish Ko Lang.

“Sana next time sa ibang programa na ng GMA ako maisingit. Hahaha! Pangarap ko lang naman mag-artista. Haha! Char!"

Huwag palampasin ang TV acting debut ni Jomar Yee sa bagong Wish Ko Lang ngayong Sabado, alas-4 ng hapon sa GMA-7.

Tingnan kung sinu-sino pang internet sensations ang pumasok sa showbiz tulad ni Jomar Yee sa gallery na ito.