GMA Logo Jomari Yllana and Anjo Yllana
What's Hot

Jomari Yllana, nagsalita na sa naging issue nila ni Anjo Yllana

By Maine Aquino
Published October 9, 2023 3:40 PM PHT
Updated October 9, 2023 5:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 pulis, patay; 2 iba pa, sugatan sa engkuwentro laban sa armadong grupo sa Candelaria, Quezon
Ashley Rivera sizzles as the 2026 calendar girl of a local whisky brand
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Jomari Yllana and Anjo Yllana


Alamin ang sagot ni Jomari Yllana sa natutunan niya sa tampuhan nila ng kapatid na si Anjo Yllana.

"Unconditional love." Ito raw ang natutunan ni Jomari Yllana sa kanilang pinagdaanan ng kaniyang kapatid na si Anjo Yllana.

Ito ay ang kaniyang naging sagot sa Sarap, 'Di Ba? nang siya ay sumalang sa "Trip to The Hot Seat".

Ang tanong kay Jomari, "Sa huling tampuhan niyo ni Anjo, ano ang pinaka-importanteng lesson na natutunan mo?"

Paliwanag ni Jomari sa sagot niyang unconditional love, "'Yung pagmamahal nasusukat 'yan, 'di ba? Pero 'yung kamag-anak, lalo na't kapatid mo nothing else matters."

RELATED GALLERY: Jomari Yllana and Abby Viduya prove that love is indeed sweeter the second time around

Dugtong pa ni Jomari, "It's either you love the person or you don't. May dialogue man or wala, mahal mo pa rin 'yung tao. 'Yun ang pinakaimportante."

Bagamat hindi na nabanggit sa interview kung ano ang pinag-ugatan ng kanilang dating "tampuhan" at kung tuluyan na ba nilang naayos ang naturang gusot sa kanilang relasyon, malinaw na nandoon pa rin kay Jomari Yllana ang concern at pagmamahal sa kanyang kapatid.

Panoorin ang kaniyang sagot dito: