GMA Logo jon lucas
What's on TV

Jon Lucas, batak sa training kahit off cam para 'Black Rider' action scenes

By Kristian Eric Javier
Published April 2, 2024 2:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Pokémon cards sa tindahan, pinuntirya ng mga armadong kawatan sa US
Gabbi Garcia's photos from 2016 that prove she is a true it girl
Arnie Teves, 2 others acquitted in 2019 murder case

Article Inside Page


Showbiz News

jon lucas


Kahit off-cam, patuloy pa rin si Jon Lucas sa paghahanda para sa heavy action scenes nila sa 'Black Rider'

Patindi nang patindi ang action at drama sa GMA Prime series na Black Rider kaya naman, puspusan rin ang paghahanda ng mga bida nito, kabilang na si Jon Lucas, sa training at conditioning nila para sa serye.

Sa interview ni Jon sa Surprise Guest with Pia Arcangel podcast, sinabi niyang isa sa mga preparation niya para para sa action scenes nila ay mag-training.

“Unang-una po, kapag nag-alok sila ng training, lalo na 'yung fight directors po natin, 'yung mga coach po natin on-set, kapag nagpapatawag sila ng training, hangga't maaari po ay aattend ka talaga,” sabi niya.

Dagdag pa ng aktor ay kahit na nagba-boxing na siya noon at may alam nang mga suntok at forms, meron pa ring hindi naituturo sa sport na kailangan sa TV.

“Pagdating sa telebisyon, para mas maging makatotohanan, kailangan cinematic din 'yung suntok na hindi po naituturo 'yun sa boxing. Kaya doon ko nalaman na marami pa pala akong dapat matutunan, lalo kung gagawa po tayo ng mga action, hindi po 'yung personal knowledge mo na natutunan mo sa labas ng paggawa ng action,” sabi niya.

Ayon pa kay Jon, importante rin sa action stars ang cardio training dahil madalas ay ilang ulit nilang ginagawa ang isang sequence ng fight scene.

“Mas kailangan talaga stamina, mas kailangan 'yung proper breathing para hindi rin po agad napapagod kasi maraming shots, so kapag alam niyo po 'yung technique, medyo nababawasan 'yung pagod,” sabi niya

BALIKAN ANG MGA KONTRABIDA LOOKS NI JON SA GALLERY NA ITO:

Inamin din ni Jon na dahil tabain siya, kailangan niyang sumunod sa isang strict na regimen katulad ng pagbabawas ng pagkain, at pagtuloy-tuloy ng physical activities kahit na walang taping.

“For example, nagba-bike po ako, tapos nagdyi-gym po para kahit papaano, ready pa rin po tayo or physically fit pa rin tayo 'pag kinailangan na ng mabibigat na action scenes,” sabi niya.

Bukod sa action, mabibigat din ang dramatic scenes sa Black Rider lalo na ngayon na dumadaan ang karakter ni Jon na si Calvin Magallanes sa mga rebelasyon tungkol sa kaniyang pagkatao.

Ngunit nang tanungin siya kung ano ang mas pipillin niya sa dramatic at action scenes, ang sagot ni Jon, “Para sa 'kin, Miss Pia, mas pipiliin ko po 'yung heavy action scene.”

Paliwanag ng aktor, “Tingin ko kasi mas nailalabas ko po 'yung adrenaline, parang mas gigil ako kapag sa action po, parang mas feeling ko, feeling ko lang, tama po 'yung magagawa ko.”

Pakinggan ang buong interview ni Jon dito: