
Isang bagong lihim mula sa nakaraan ang maisisiwalat sa full action series na Black Rider.
Matapos ang isang DNA test, kumpirmado ngang anak ni Señor Edgardo (Raymond Bagatsing) si Elias (Ruru Madrid).
Ngayon naman, si Calvin (Jon Lucas) ang mapapaisip kung kadugo ba talaga niya si Edgardo at isa nga ba siyang tunay na Magallanes.
Ang sagot sa kanyang agam-agam, walang iba kundi pangalawang DNA test!
Sa resulta nito nakasalalay ang magiging tagapagmana ng sindikatong Golden Scorpion.
Samantala, may mga bagong karakter na makikilala sa lalong gumagandang kuwento ng Black Rider.
Magiging bahagi ng serye ang mga premyadong aktres na sina Rita Avila at Yayo Aguila, pati na ang action star na si Jestoni Alarcon.
Abangan ang mga karakter na gagampanan nila at ang magiging papel ng mga ito sa buhay ni Elias.
Ang Black Rider ay kuwento ng isang simpleng delivery rider na magiging bayani ng lansangan at haharap sa isang malaking sindikato.
Kapit lang sa patuloy na pagharurot ng bagong yugto ng full action series na Black Rider, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.
May simulcast ito sa digital channel na Pinoy Hits at may delayed telecast naman sa GTV, 9:40 p.m.
Maaari rin itong mapanood via livestream online sa Kapuso Stream.