GMA Logo Jon Lucas
Celebrity Life

Jon Lucas, kinuwento kung bakit siya pumasok sa showbiz

By Kristian Eric Javier
Published April 2, 2024 4:33 PM PHT
Updated April 2, 2024 4:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

South Korea's ex-president Yoon given 5-year jail term in first ruling over martial law
Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News

Jon Lucas


Alamin kung ano ang nag-udyok kay Jon Lucas sa pagpasok niya sa showbiz.

Aminado ang Black Rider star na si Jon Lucas na hindi pag-aartista ang kaniyang unang pangarap, sa halip ay gusto niyang maging isang professional athlete. Ngunit ayon sa aktor, ang pagpasok niya sa entertainment industry ay dahil din sa kaniyang pamilya.

Sa interview niya sa Surprise Guest with Pia Arcangel podcast, kinuwento ni Jon na pangarap niyang maging isang basketball player. Plano niya noon na makapasok sa collegiate basketball, tapos ay makapasok sa Philippine Basketball Association o PBA. Ngunit nahinto ang lahat ng ito dahil sa kagustuhan niyang makatulong sa pamilya.

“Nung after ko mag-high school, nag-audition na po agad ako para sa showbiz kasi nga, gaya po ng nabanggit niyo kanina na isa sa mga clue, tinulungan na po natin 'yung parents namin na mapagaral po 'yung kapatid ko,” sabi niya.

Ayon kay Jon ay nag-iisip na mangibang bansa noon ang kaniyang mommy at dito niya umano na-realize na hindi na talaga kaya ng kaniyang mga magulang na pag-aralin pa ang kaniyang bunsong kapatid.

At dahil ayaw niyang mahiwalay ang kanilang mommy sa kanila ay nagdesisyon na siyang mag-audition.

“Kaso nga, Miss Pia, nung time na nag-audition po ako, gawa ng wala pa 'yung mga resulta o wala pang call ulit, natuloy ho 'yung mommy ko na makapag-ibang bansa. For two months yata ako nag-aabang, 'yung two months na 'yun, nandun na 'yung mommy ko sa ibang bansa,” sabi niya.

Pag-amin pa ni Jon ay sinabi ng mommy niya na kapag hindi pa siya nakauwi ng December ay kailangan na niyang pumirma ng two-year contract para magpatuloy magtrabaho sa ibang bansa.

BALIKAN ANG CELEBRITIES NA INIWAN ANG SHOWBIZ PARA SA BUHAY ABROAD SA GALLERY NA ITO:

Patuloy pa rin sa pag-audition si Jon at nang dumating ang December ay nakatanggap siya ng tawag na tanggap na siya sa auditions.

“Natatandaan ko pa po, December 12, 2012, kasi mahalagang araw po sa akin 'yan, natanggap po ako, tumawag agad ako sa daddy ko at sinabi ko dun na natanggap ako,” sabi niya.

Dagdag ni Jon, sinabihan niya kaagad ang Daddy niya na manghiram ng pera para ipadala sa kaniyang mommy para makabili ng ticket pauwi.

“Awa ng Diyos, first-ever taping day ko sa buong buhay ko, kasama ko na si Mommy,” sabi niya.

Pakinggang ang buong interview ni Jon dito: