GMA Logo Hashtags
Source: lucas_aljhon (IG)
What's Hot

Jon Lucas, naging emosyonal sa muling pagsasama-sama ng Hashtags sa entablado

By Mark Joseph F. Carreon
Published August 5, 2026 12:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Traffic enforcer, sugatan nang malapitang barilin ng lalaki sa Cotabato
Filipino dance crews win International Dance League in Korea
Mayor denies Cebu City is supporting Pax Silica project

Article Inside Page


Showbiz News

Hashtags


Muling nagsama-sama sa stage ang grupong Hashtags!

Ibinahagi ng Kapuso actor na si Jon Lucas sa kaniyang Instagram post ang napakasayang tagpo ng muling pagsasama-sama nila sa iisang stage at performance kasama ang kaniyang dating grupo, ang Hashtags.

Nagsimula at nabuo ang all-male dance group na ito sa noontime variety show na It's Showtime noong 2015, kung saan naging regular segment performers ang grupo sa nasabing palabas.

Sa kaniyang post, ibinahagi ni Jon ang isang larawan sa backstage mula sa ginanap na concert ng kaniyang kagrupo na si Wilbert Ross. Kalakip nito ang isang mensahe kung saan kitang-kita ang labis na pasasalamat ng aktor sa kanilang muling pagkikita at pagtatanghal makalipas ang maraming taon.

“Full appreciation to my brodies. After 8 years nagkaroon ulit ng pagkakataong makasama kayo sa stage para mag perform,” sulat ni Jon sa kaniyang caption.

Sa kaniyang mensahe, nagpaabot ng espesyal na pasasalamat si Jon kay Wilbert dahil sa oportunidad na muli silang makapagsayaw at mabalikan ang kanilang pinagmulan.

Binigyang-diin din niya ang paghanga sa kababaang-loob ng kagrupo, na hindi nakalimot sa kaniyang mga nakasama sa kabila ng natatamasang tagumpay sa karera.

“Shoutout to the main man @itswilbertross! Salamat sa opportunity na makasayaw tayo ulit at mabalikan saglit ang pinanggalingan natin,” ani ng aktor.

“Salamat hindi mo kami nakalimutan saiyong pag-angat kaya buong buo rin ang suporta namin sa'yo!”

Para kay Jon, higit pa sa pagsasayaw ang naibigay sa kanila ng kanilang samahan.

Bagama't may kaniya-kaniya nang landas at bilis ng pag-angat sa industriya, pinatunayan ng kanilang reunion na nananatiling buo ang samahan ng magkakaibigan.

Nag-iwan din si Jon ng pangako ng walang-sawang suporta para sa mga dating kasama sa bawat hakbang ng kani-kanilang karera, habang umaasang masusundan pa ang kanilang muling pagtatanghal nang magkakasama.

“Aminin man natin o hindi, maraming buhay ang binago ng grupo na yon. Maraming pangarap ang natupad ng magkakasama tayo. Praying and hoping na marami pang susunod,”
pagbabahagi ni Jon.

“Labyu boys!! Hindi man tayo sabay-sabay noon sa pagsayaw o sa pag-angat, asahan niyo na sa roadtrip ng career niyo nandito lang kami parati,” dagdag pa niya.

A post shared by Jon Lucas (@lucas_aljhon)

Bukod kina Jon Lucas at Wilbert Ross, ang Hashtags ay binuo ng iba pang orihinal at mga kalaunang miyembro tulad nina Zeus Collins, McCoy de Leon, Ronnie Alonte, Ryle Santiago, Nikko Natividad, Luke Conde, Tom Doromal, Jameson Blake, Rayt Carreon, Kid Yambao, CK Kieron, Bugoy Cariño, Maru Delgado, Vitto Marquez, at ang pumanaw na si Franco Hernandez.

Related Gallery: It's Showtime's all-boys group 'Hashtags': Where are they now?