GMA Logo Jong Madaliday and Maximillian
What's Hot

Jong Madaliday gets noticed by Danish singer Maximillian after serenading strangers on Omegle

By Jansen Ramos
Published January 10, 2021 4:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Senate on alleged weaponization of LOAs by BIR personnel (Dec. 11, 2025) | GMA Integrated News
Pagtatayo ng 4 na Kapuso classroom sa Bohol, sinabayan ng GMAKF ng tree planting | 24 Oras
PNP defends protocol in arrest during carnapping

Article Inside Page


Showbiz News

Jong Madaliday and Maximillian


Nagkomento si Maximillian sa Facebook post ni Jong Madaliday para magpasalamat sa pagkanta nito sa kanyang single na "Beautiful Scars" sa Omegle prank vlog ng Kapuso singer.

Napansin ng Danish singer-songwriter na si Maximillian ang The Clash alumnus na si Jong Madaliday matapos haranahin ng huli ang mga babaeng nakikilala niya sa online chat website na Omegle para sa isang vlog.

Ang kantang inawit kasi ni Jong ay ang hit song ng foreign singer na "Beautiful Scars."

Nagkomento si Maximillian sa Facebook post ng Kapuso singer na naglalaman ng vlog para magpasalamat sa pagkanta nito sa kanyang single.

Maximillian comments on Jong Madaliday vlog

Sa loob lamang ng tatlong araw, nakakuha na agad ng mahigit one million views ang nasabing vlog sa Facebook page ni Jong.

Mapapanood din ito sa kanyang YouTube channel na mayroong 152,000 subscribers.

Ayon kay Jong, nag-enjoy siya sa pagharana sa random foreign girls na nakilala niya sa Omegle.

Bagamat first time niyang nakilala ang mga ito, humanga naman sila sa magandang boses ng Cotabato singer.

Natanggap ni Jong ang YouTube Silver Play button noong Hunyo matapos maabot ang 100,000 subscribers sa video-sharing site noong Mayo.

Bukod sa Omegle prank, ilan lamang ang song cover, reaction video, at iba pa sa mga tampok na content sa kanyang channel.

Nakilala si Jong nang sumali sa first season ng The Clash, kung saan itinanghal siyang runner-up.