
Pinag-usapan sa social media ang The Clash graduate na si Jong Madaliday matapos makaranas ng pambu-bully sa online video chat na OmeTV.
Intensyon lamang ni Jong na haranahin ang mga kapwa niya Pinoy para sa kanyang vlog.
Ngunit mga panlalait ang naging kapalit nito matapos puntiryahin ang kanyang ilong, bagay na hindi niya na-e-engkwentro kapag mga foreigner ang kanyang nakaka-random chat online.
Sa kasamaang palad, hindi pala ito ang unang pagkakataon na kinutya si Jong dahil sa kanyang pisikal na itsura.
Sa birthday post niya sa Instagram noong December 21, pinayuhan ng isang netizen na iparetoke ang ilong ng North Cotabato singer para rumami ang raket ng huli.
Komento ng netizen, "Jong, kahit pa'no may pera ka na. Bakit 'di mo pa ipaayos ilong mo. Dadami lalo [raket] mo."
Netizen advises Jong Madaliday to take cosmetic surgery
Ibinalandra ito ni Jong sa kanyang Facebook page at matapang na ipinahayag ang kanyang saloobin dito.
Tanong niya, "Required bang perfect 'yong looks mo para marami ang raket? Haha, wait, gano'n ba talaga? Retoke muna bago dumami raket? Damn!"
Sa mga hindi nakakaalam, si Jong ay isang Muslim at, base sa kanilang relihiyon, ang cosmetic surgery o pagpaparetoke ay Haram o taliwas sa kanilang pananampalataya.
Patuloy niya, "Minsan naisip ko rin magparetoke pero naiisip ko kasalanan 'yon at mamatay rin tayong lahat.
"Ano 'yon, magpaparetoke ka para sa mga tao, para sa raket?
"Ibig lang sabihin no'n, 'di mo mahal sarili mo at hindi mo tanggap ang kung anong pinagkaloob sa 'yo.
"Mahalin muna natin ang ating sarili bago ang iba."
Nagpasalamat naman si Jong sa kanyang mga taga-suporta matapos makatanggap ng simpatiya.
Sambit niya, "Maraming salamat sa mga encouraging comments na ipagpatuloy ko pa kung anuman ang nasimulan ko.
"'Wag po kayong mag-alala, hindi ko 'to pinost para kumuha ng simpatya o madismaya ako o anuman.
"Ang akin lang ilapag sa page ko na ito kung ano ba talaga ang totoong nangyayari sa 'min na nakikipagsapalaran sa ganitong klase ng mundo.
"Pero marami pa namang Pilipino ang nakaka-appreciate sa 'tin at lubos po akong nagpapasalamat sa lahat ng suporta at pagmamahal.
"Hindi po ako susuko, tuloy ang laban ng buhay!"
Jong Madaliday denounces cosmetic surgery
Nakilala si Jong nang sumali sa first season ng The Clash, kung saan siya itinanghal bilang runner-up noong 2018.
Kasalukuyan siyang contract artist ng GMA Artist Center at napapanood sa ilang Kapuso shows gaya ng All Out Sundays.
Nang sumikat bilang singer, kinuha ni Jong ang pagkakataong ito para pasukin ang pagba-vlog.
Sa ngayon, mayroon na siyang mahigit 178,000 subscribers sa kanyang YouTube channel.
Bukod sa panghaharana sa Omegle, isa sa mga bentahe ng mga vlog ni Jong ang kanyang song covers.
Kialalanin sa gallery na ito ang iba pang celebrity na nakilala sa pagba-vlog:
Samantala, narito naman ang ilang celebrities na umaming nagparetoke: