GMA Logo Jopay Paguia Mayonnaise
What's Hot

Jopay Paguia sa kanilang pagkikita ng bandang Mayonnaise: 'Finally!'

By Jimboy Napoles
Published March 7, 2023 6:51 PM PHT
Updated March 8, 2023 12:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Steel Ball Run: JoJo's Bizarre Adventure' to release first episode in March 2026
My Chemical Romance moves Asia show dates to November 2026fa
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Jopay Paguia Mayonnaise


Kumusta kaya si Jopay nang magkita sila ng OPM band na Mayonnaise? Alamin DITO:

Matapos ang maraming taon, nagkita na sa wakas ang mga miyembro ng OPM band na Mayonnaise kasama ang frontman nito na si Monty Macalino at ang inspirasyon nila sa kanilang hit song na “Jopay” na si OG SexBomb dancer Jopay Paguia Zamora.

Sa Lucena City kamakailan naganap ang long overdue meeting ng Mayonnaise at ni Jopay nang silang mag-perform dito kasabay ng phase 2 ng “Mayo 20 Tour” ng nasabing OPM band.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Jopay ang larawan nila ng Mayonnaise at ni Monty.

“FINALLY!!!” saad niya sa kanyang caption.

A post shared by Jopay Paguia-zamora (@jopaypaguiazamora)

Matatandaan na muling umingay ang awiting “Jopay” kamakailan nang maging isa sa official soundtrack ito ng pelikulang “Ngayon Kaya” at naging background music pa sa maraming content online partikular na sa TikTok.

Sa isang panayam sa isang news site, ikinuwento ni Monty kung bakit naisipan niyang gawan ng kanta ang SexBomb member na si Jopay.

Kuwento niya, “Pagbukas ko ng TV nakita ko 'yung isang SexBomb dancer [Jopay] umiiyak sabi ko, 'Ba't kaya umiiyak 'to 'di ba nasayaw lang 'to?' So pumasok sa utak ko parang, 'Ayaw ko siya makitang umiyak, ayoko siyang makitang malungkot. So ginawa ko talaga yung kanta specifically for Jopay ng Sexbomb dancers.”

Dagdag pa niya, “I wanted to create a song na would make as if we have a connection. Even if she doesn't know me. Even if I haven't seen her face to face.”

Samantala, sinorpresa naman ng OG Eat Bulaga SexBomb dancer ang kanilang fans nang muli silang mapanood na sumayaw nang sama-sama para sa isang advertisement ng popular video streaming app.

KUMUSTAHIN ANG BUHAY NG SEXBOMB GIRLS NGAYON SA GALLERY NA ITO: