GMA Logo Jopay Paguia
What's on TV

Jopay Paguia sa pagsagot ni Joshua Zamora sa basher: 'Hindi ko raw po deserve'

By Kristian Eric Javier
Published January 9, 2026 12:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Liza Soberano says 'Forgotten Island' has plenty of Easter eggs for Pinoys
Sayran nato ang Dagan sa Panahon karong Adlawa August 25, 2026 | Balitang Bisdak
Patricia Tumulak, TENDERISM ang pamanang recipe ng kanyang lola sa tuhod! | Farm To Table

Article Inside Page


Showbiz News

Jopay Paguia


Proud si Jopay Paguia sa pagtatanggol sa kaniya ng asawang si Joshua Zamora mula sa isang basher.

Kamakailan lang ay naging usap-usapan ang pagtatanggol ni Joshua Zamora sa kaniyang asawang si Jopay Paguia matapos makatanggap ang dating SexBomb Girl ng hindi magandang komento mula sa isang basher.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, January 8, ibinahagi ni Jopay na hindi naman talaga pumapatol si Joshua kahit kailan sa mga basher. Ang dahilan nito, mababaw daw at hindi na kailangan pagtuunan ng pansin.

“Pero sabi kasi sa 'kin ni Joshua, kaya raw niya sinagot 'yun, nakita niya kasi 'yung hard work ko, 'yung pagiging nanay ko, sa lahat ng aspeto, sa bahay, ganiyan. Parang hindi ko raw po deserve na sabihan ng ganu'n,” sabi ni Jopay.

TINGNAN ANG ILAN SA MGA 'KILLER RESPONSE' NG CELEBRITIES SA KANILANG BASHERS SA GALLERY NA ITO:

Noong December 2 ay ni-repost ni Joshua ang komento ng isang netizen na sayang umano ang dating The Maneuvers dancer dahil napunta lang siya sa “pipityuging babae.” Sabi pa ng netizen, marami namang nagkakagusto kay Joshua na may prestihiyosong pinanggalingan, ngunit “sa isang dancer lang bumagsak.”

Sagot ni Joshua sa netizen, “Salamat sa opinyon mo, pero hindi ko sinusukat ang halaga ng isang tao base sa trabaho, titulo, o kung gaano siya 'kagalang-galang' sa paningin ng mundo. Ang tunay na halaga ng tao ay nakikita ng Diyos, hindi ng tao. Sabi nga sa 1 Samuel 16:7, 'People look at the outward appearance, but the Lord looks at the heart.'”

Paglilinaw ni Joshua ay hindi siya “napunta sa mali” at sa halip, pinili niya ang taong tapat, nagmamahal, at kasama niyang lumaban sa buhay.

Sa huli, humingi si Joshua ng respeto, at nagpaalala na hindi kailangan magbagsak ng ibang tao para lang suportahan ang opinyon.

“Pinipili ko ang pag-ibig, kapayapaan, at pasasalamat sa biyaya ng Diyos,” sabi ni Joshua.