GMA Logo joross gamboa
Courtesy: Joross Gamboa on Facebook
What's Hot

Joross Gamboa, excited na muling makatrabaho si Alden Richards

By Nherz Almo
Published August 4, 2026 11:29 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Alex Eala is the first Filipino to win a WTA title
Makati hotel shooting leaves mother dead, daughter injured
LIVE - Impeachment Trial of VP Sara Duterte - DAY 12 (Aug. 4, 2026)

Article Inside Page


Showbiz News

joross gamboa


“Kulitan na naman kami,” sabi ni Joross Gamboa tungkol sa muling pagsasama nila ni Alden Richards para sa 'Code Grey.'

Pamilyar raw para kay Joross Gamboa ang magiging role niya sa upcoming GMA drama series na Code Grey dahil dati siyang nursing student.

Kaya naman tila nag-enjoy din siya sa ginawa nilang immersion para sa serye.

“Nag-immersion kami kasi para ma-train kaming lahat, lalo na yung ibang hindi sanay sa dugo and magawa namin nang tama yung mga procedure at mga tamang term. Iniingatan namin 'yon para maganda yung presentasyon ng drama,” kuwento ni Joross nang sandali siyang makapanayam ng GMANetwork.com at iba pang entertainment media kamakailan.

Bukod sa kanyang role bilang nurse, excited din si Joross sa muling pagsasama nila ni Alden Richards, na nakasama niya sa mga pelikulang Hello, Love, Goodbye (2019) at Hello, Love, Again (2024).

Ang Code Grey ang unang teleseryeng pagsasamahan ng dalawang aktor.

“In constant communication naman kami lagi ni Alden. First time namin sa teleserye kaya pareho kaming excited, kulitan na naman kami,” ani Joross.

Samantala, natutuwa naman ang aktor dahil tuluy-tuloy lang ang pagdating sa kanya ng acting projects. Bukod kasi sa Code Grey, makakasama din siya sa pelikulang gagawin nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Dahil dito, biniro ng media si Joross sa pagiging “lucky charm” niya, dahil laging successful ang mga proyektong kinabibilangan niya.

Sagot ng aktor, “Blessed lang ako dahil napapasama ako sa magagandang pelikula.”

Dagdag pa niya, “Pinagdadasal ko na lang. Ano lang naman ako, support lang naman ako. Blessed lang talaga ako na nagkakataong nakakasama ako. I mean, I'm just blessed. All glory to God.”

Nabangggit din niya na pinaghuhusayan niya ang bawat proyektong gagawin niya dahil para na raw itong audition sa susunod niyang proyekto.

“Sa akin kasi, I consider na kung ano yung huli kong palabas,teleserye man o pelikula, parang yun na ang audition ko sa next show. So, in a way, parang maganda yung pagtanggap sa Sanggang-Dikit nina Dennis [Trillo] at Jennylyn [Mercado], ilang beses kaming na-extend.

“Ngayon nabigyan naman ako ng part dito sa Code Grey with Alden Richards. Excited din ako for this one.”

Kilalanin ang iba pang cast ng Code Grey rito: