GMA Logo Paolo Contis, Joross Gamboa
What's Hot

Joross Gamboa, ipinagtanggol si Paolo Contis sa mga nanghuhusga sa aktor

By Jimboy Napoles
Published June 27, 2023 2:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

EDSA rehab begins Dec. 24
2 hurt as truck falls into ravine in Zamboanga City
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Paolo Contis, Joross Gamboa


Joross Gamboa: “We're just humans, we make mistake pero 'wag naman sana tayong i-judge through our mistakes.”

Masayang dumalo sa premiere night ng kanilang pelikula na Ang Pangarap Kong Oskars sina The Missing Husband actor Joross Gamboa at Eat Bulaga host na si Paolo Contis nitong Biyernes, June 23.

Sa nasabing event, game na humarap sa press sina Joross at Paolo upang sagutin ang mga katanungan nito tungkol sa pelikula at maging sa kanilang showbiz life.

Dahil ang tema ng pelikula ay ang pag-abot sa pangarap na “Oskar” award, tinanong ng media sina Joross at Paolo kung ano ang kaya nilang isakripisyo sa ngalana ng kanilang pangarap.

Sagot ni Joross, “Before you strive for success alamin mo muna 'yung definition ng success sa buhay mo, dahil may kaniya-kaniya naman tayong journey. Iba 'yung success sa kaniya, iba 'yung success sa akin, and kung gagawa ka ng sacrifice, 'yung sa sarili mo dapat, 'yung mga self desire mo, and kailangan alam din natin 'yung purpose natin kung bakit natin ginagawa lahat ng 'to para meron ka lang din pattern na susundan at hindi tayo maligaw.”

Dagdag pa niya, “Ang pinaka-tip ko lang din laging papunta kay God ang pinaka-purpose natin.”

“At least ma-influence mo si Paolo,” pabirong sundot naman ng isa sa press.

Dito na agad na pinagtanggol ni Joross si Paolo na nakakatikim ng panghuhusga sa publiko dahil sa mga isyung kaniyang kinasangkutan.

Depense ni Joross sa kaibigan, “Ay hindi, matino 'to si Paolo kumbaga palabiro lang siya and dahil nga 'yung mga issue it doesn't mean na masama siyang tao kaya 'yung mga namba-bash… Ang hirap magsalita e, pero bilang kaibigan, ako, kilala ko si Pao personally.”

Ayon kay Joross, lahat naman ay nakakagawa ng pagkakamali pero hindi ito dahilan upang manghusga ng kapwa.

Aniya, “We're just humans, we make mistake pero 'wag naman sana tayong i-judge through our mistakes kasi lahat naman tayo may karapatan sa second chance o third chance man lang.”

Samantala, mapapanood na simula bukas, June 28, sa mga sinehan ang pelikulang Ang Pangarap Kong Oskars na pinagbibidahan nina Joross at Paolo kasama pa sina Faye Lorenzo, at Kate Alejandrino.

Ang kuwento ng Ang Pangarap Kong Oskars ay tungkol sa magkaibigan na sina Bobby B (Paolo Contis), isang ambisyosong producer, at DMZ (Joross Gamboa) na isa namang weirdo na direktor. Ang kanilang pangarap na makatanggap ng “Oskar” award ang magdadala sa kanila sa isang maaksyon at nakakakilabot na paggawa ng pelikula.

SILIPIN ANG MGA NAGING KAGANAPAN SA PREMIERE NIGHT NG ANG PANGARAP KONG OSKARS SA GALLERY NA ITO: