
Nasa Pilipinas na at mapapanood na sa GMA ngayong July 15 ang ultimate talent competition na Battle of the Judges.
Bigatin ang bagong aabangang show sa telebisyon, hosted by Asia's Multimedia Star Alden Richards na aminadong nag-full circle siya.
Mula kasi sa dating pa-odi-audition lang, ngayon host na siya ng isang talent competition.
"I always find it very interesting and amusing to hear about the stories of our talents. Lahat ng mga dinaanan nilang path and it was the same path I was taking before," bahagi ni Alden sa panayam ni Nelson Canlas para sa 24 Oras.
Bukod sa pasiklaban ng Pinoy talent, apat na bigating judges din ang magtutunggali.
First on the list si GMA Senior Vice President Atty. Annette Gozon-Valdes na may eye for a good artist dahil sa kanyang almost 20 years of experience of seeing talents come and go.
"Kailangan may dedication kasi may mga nagka-come and go kasi minsan wala 'yung puso nila do'n so naggi-give up sila, tinatamad or nawawalan ng drive. Kailangan talaga 'yung pursigido," ani ng GMA top executive at entertainment industry leader.
Isa rin sa mga kikilatis ng talento ang seasoned host and talent manager na si Boy Abunda. Ayon sa King of Talk, magmumulat daw ang Battle of the Judges ng isang bagong anyo ng kompetisyon.
Paliwanag niya, "Figuratively, may mga conflicts kami kasi may strategy ako, may strategy si Ms. Annette, si Bea. Kaya pala magkaroon ng kompetisyon, kaya pala magbanggaan nang hindi nagpepersonalan."
Samu't saring awards na ang natanggap ng Premiere Leading Lady na si Bea Alonzo kaya marami s'yang pwedeng ibahagi pagdating sa pagalingan.
"Sa tingin ko after all, this is all for the artists and it's really a healthy competition," sabi ng aktres.
Last but not the least ang powerhouse comedian and host na si Jose Manalo na hindi alam ng marami na nagsimula bilang audition master ng maraming stage and TV show kabilang na ang longest-running noontime show na Eat Bulaga.
"Yun 'yung isang medyo lumalamang ako sa kanila. Lumalamang ako nang konti kasi galing ako do'n sa gano'ng trabaho. Hindi puwede sa akin na eto lang ipapakita mo, okey na sa 'kin. Hindi."
Sa Battle of the Judges, pipili ang apat na hurado ng mga contestant at magsisilbing mentors sila ng mga ito kaya level up talaga ang pagalingan.
Panoorin ang buong ulat ni Nelson Canlas sa video sa itaas.
NARITO ANG PASILIP SA SET NG BATTLE OF THE JUDGES: