
Nabalot ng kilig ang Celebrity Bluff studio nang ipinakita ni Jose Manalo ang kanyang istilo sa panliligaw.
Nitong Sabado, July 11, muling napanood sina Eugene Domingo, Jose, Boobay at Brod Pete sa all-original Pinoy comedy game show na Celebrity Bluff.
Nakasama nilang maki-'Fact or Bluff' sina Francine Garcia at Trixie Maristela, Digeo at Shalala, at Gardo Versoza at Mon Confiado.
Ang naturang episode ay kabilang sa pagdiriwang ng Celebrity Bluff ng gay pride.
Sama-samang rumampa sina Francine, Trixie, Diego at Shalala. Nasundan pa ito ng isang rebelasyon nang matagpuan nila mula sa studio audience ang look-alike ni Diego.
Maliban sa makulay na selebrasyon na ito, napuno rin ng kilig at hiyawan ang studio. Wala kasing pag-aalangang tanungin ni Jose kung gusto ba siya ni Uge.
Panoorin ang kanyang istilo ng panliligaw dito:
Ang Celebrity Bluff ay mapapanood na tuwing Sabado pagkatapos ng Daddy's Gurl.