GMA Logo Jose Mari Chan
What's Hot

Jose Mari Chan, live na inawit ang 'Christmas In Our Hearts' sa 'Unang Hirit'

By Jimboy Napoles
Published September 1, 2022 10:19 AM PHT
Updated September 2, 2022 1:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Zelenskyy says Russia using Belarus territory to circumvent Ukrainian defenses
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Jose Mari Chan


Ang unang patikim sa Christmas kantahan kasama si Jose Mari Chan, napanood sa 'Unang Hirit' ngayong September 1.

Sinalubong ng maraming mga Kapuso ang buwan ng Setyembre kasama ang Filipino singer-songwriter at tinaguriang Christmas icon sa Pilipinas na si Jose Mari Chan na live na inawit ang kanyang awitin na "Christmas in our hearts" sa flagship morning show ng GMA na Unang Hirit ngayong Huwebes, September 1.

Nakagawian na sa Pilipinas na pagsapit pa lamang ng buwan ng Setyembre ay naghahanda na ang mga Pilipino para sa selebrasyon ng kapaskuhan kasama na rito ang pagpapatugtog ng mga awiting pampasko ng veteran singer na paulit-ulit na maririnig sa mga mall, opisina, at mga kabahayan.

Sa maikling panayam ng UH barkada na sina Arnold Clavio, Connie Sison at Susan Enriquez kay Jose Mari o Tito Joe, ibinahagi niya na matagal na rin siyang hindi nakabisita sa Unang Hirit o napapanood sa telebisyon.

Aniya, "Oo nga, at least seven years ago. I think so."

"It's my first time to be on television," dagdag pa niya.

Inamin din ng veteran singer na maaga rin talaga siyang nag-"stretching" para sa kanyang boses gaya ng mga memes na naglalabasan online tungkol sa kanya pagsapit pa lamang ng Abril.

"Yes, [kailangan] lalo na kapag tumatanda na ang boses," kuwento niya.

Manood ng Unang Hirit, Lunes hanggang Biyernes, 5:30 ng umaga sa GMA.

SILIPIN NAMAN ANG MGA NAKATUTUWANG MEMES NI JOSE MARI CHAN SA GALLERY NA ITO: