
May bonggang problema sina Jose at Maria sa second episode ng Jose & Maria's Bonggang Villa 2.0!
This Saturday night, may masamang pangitain ang isang albularyo sa mag-asawang Villa at binalaan niya ang mga ito na mag-ingat!
Ang babala kaya kina Jose (Dingdong Dantes) at Maria (Marian Rivera) ay tungkol sa kay Tiffany (Pokwang) na nagmamay-ari ng kalaban ng BnB ng Bonggang Villa.
Paano maabot ng mag-asawa ang quota ni Mommy Janice (Pinky Amador) kung may nanggugulo sa kanilang negosyo?
Bonggang Saturday night viewing ang naghihintay sa inyo, mga Kapuso! Kaya tutok na sa Jose and Maria's Bonggang Villa 2.0 ngayong January 27 oras na 6:15 p.m.