GMA Logo Josh Ford
What's on TV

Josh Ford, araw-araw pa ring nami-miss ang malalapit na kaibigan

By Kristian Eric Javier
Published May 20, 2025 10:05 AM PHT

Around GMA

Around GMA

New economic zones to lure P3-B in investments — Recto
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025
Girl rescued, hostage-taker killed in Marawi City

Article Inside Page


Showbiz News

Josh Ford


Sariwa pa rin kay Josh Ford ang trahedyang kinasangkutan dalawang taon na ang nakararaan.

Hindi pa rin maalis sa isip ni Kapuso actor Josh Ford ang aksidenteng kinasangkutan niya kung saan pumanaw ang tatlo niyang kaibigan, kabilang na ang kapwa Sparkle star na si Andrei Sison.

Matatandaan na si Josh ang nag-iisang nakaligtas mula sa car accident kung saan pumanaw si Andrei, kabilang na ang dalawa pang sakay nito.

Sa pagbisita niya sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, May 19, emosyonal na inalala ni Josh ang kaniyang mga kaibigan at sinabing araw-araw niyang nami-miss ang mga ito.

“They're really nice guys and sila talaga 'yung naturing kong kapatid dito po sa outside world,” sabi ni Josh.

Aayon kay Josh, noong una ay hindi niya alam kung papaano magmo-move forward sa buhay ngunit alam niya umanong kailangan niyang maging matatag at mag-focus lang sa future.

Kinumpirma rin ng Sparkle star ang sinabi ni King of Talk Boy Abunda na nanghihingi siya ng sorry sa mga magulang ni Andrei tuwing nagkikita sila.

“Hindi naman po siya sorry na parang what happened, I'm saying sorry for the loss. As in condolence po talaga kasi we became best friends. Ther were all brothers to me and up to this day, even though it's been two years already, ang bigat pa rin po sa pakiramdam,” sabi ng aktor.

Kuwento ni Josh, dahil wala ang mga magulang niya dito sa Pilipinas ay sila ang kasakasama niya sa bahay kaya naman naging mahirap din para sa kaniya na mawala sila.

“It's just hard kasi nasanay po ako na nandiyan sila and wala po, Tito. I just really have to focus on what I am now and palagi ko silang ikukwento, hindi ko sila makakalimutan,” sabi ng aktor.

Pagbabahagi pa niya ay bumibisita rin siya sa kanilang mga puntod at kinakausap sila. Aniya, hiling niya ngayon ay sana proud sila sa kung ano man ang nakamit niya ngayon dahil pangarap umano nila na maging artista.

“I just want them to be happy, you know, sa mga ginagawa ko. I just want them to see me on TV kasi they never saw me on TV. Alam po nila na artista ako pero never po nila ako nakita live. So I think it'd be nice for them to see me here, now. with you, Tito Boy, dito, na happy pa din kahit papaano,” sabi ni Josh.

Pinasalamatan din niya ang kaniyang mga kaibigan dahil hindi siya umano magiging si Josh Ford kung hindi dahil sa kanila.

“Ang dami kong natutunan sa kanila, to be just me, to be genuine and just be myself na kahit anong mangyari, 'Dapat happy lang, pare, happy lang.' I miss them loads and I wanna tell them na itutuloy ko 'yung mga pangarap namin. That's my promise,” sabi ni Josh.

BALIKAN ANG CELEBRITIES NA NAKALIGTAS MULA SA CAR ACCIDENTS SA GALLERY NA ITO: