GMA Logo josh ford
What's Hot

Josh Ford, nagsalita na tungkol sa aksidenteng sinapit kasama ang mga kaibigan

By Jimboy Napoles
Published August 19, 2023 12:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

14k civilians pass PNP entrance exams, 2,9k cops qualify for promotion
Farm to Table: (December 21, 2025) LIVE
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025

Article Inside Page


Showbiz News

josh ford


Nagsalita na ang Sparkle actor na si Josh Ford tungkol sa aksidenteng kinasangkutan niya at ng namayapang kaibigan na si Andrei Sison.

Nagbigay na ng kanyang saloobin ngayon ang Sparkle actor na si Josh Ford tungkol sa kinasangkutang aksidente, ilang buwan na ang nakalilipas, na ikinasawi ng kanyang kapwa Sparkle Teens member na si Andrei Sison at dalawa pa nilang kaibigan na sina Paolo Bueza at Arman Velasco.

Matatandaan na tumilapon at saka bumangga ang sinasakyang BMW car nina Josh, Andrei, Paolo at Arman sa bahagi ng New Intramuros Village sa Commonwealth Avenue, Quezon City, noong March 24, 2023.

Tanging si Josh lamang ang himalang nakaligtas sa nasabing aksidente.

KILALANIN SI JOSH FORD SA GALLERY NA ITO:

Bagamat sariwa pa rin sa binatang aktor ang masakit na nangyari sa kanya at sa kanyang mga kaibigan, nagpapasalamat naman siya sa mga taong umaalalay sa kanya habang siya ay nagpapagaling.

Kuwento ni Josh sa kanyang panayam sa Marites University, “I'm thankful for the people who were around me kasi po meron po akong therapy at the moment so I'm talking to people and parang nilalabas ko lang po 'yung nararamdaman ko.”

Hindi rin napigilan ni Josh na maging emosyonal nang alalahanin ang mga namayapang kaibigan.

“It obviously just sucks kasi bestfriend ko rin po si Andrei. Si Andrei, si Arman, and Pao, they're really good friends of mine,” sabi ni Josh habang nagpipigil ng luha.

Ayon kay Josh, hindi niya lamang pinapakita ang lungkot na kanyang nararamdaman sa tuwing humaharap siya sa mga tao matapos ang aksidente.

Aniya, “At the moment siyempre kapag nasa harapan po ako ng mga tao, I'm always smiling. Ayoko pong ipakita 'yung totoong nararamdaman ko.”

Dagdag pa niya, “Kasi ngayon po, I always have to smile, I always have to be happy, I always have to be positive para po maisip ng ibang mga tao na kahit anong mangyari sa buhay mo just think positive.”

Malaking tulong umano kay Josh para sa kanyang fast recovery ang pag-uwi niya sa kanyang pamilya sa United Kingdom.

“Sabi po sa akin ng therapist ko na I have to see my family again kasi ang tagal ko nang hindi sila nakita po,” ani Josh.

Magandang balita naman ni Josh ngayon, “I'm doing okay naman po.”

Huling napanood si Josh sa katatapos lamang na Kapuso kilig series na Luv Is: Love At First Read kasama sina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara.

Sa ngayon, naghahanda na rin si Josh sa kanyang bagong Kapuso series na Against All Odds, ang comeback project din ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.