GMA Logo Josh Ford
Source: joshford321/IG
What's Hot

Josh Ford, balik trabaho na pagkatapos ng kaniyang ear and nasal surgeries

By Kristian Eric Javier
Published June 21, 2026 2:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Foreign entry visa fees to Japan to increase fivefold
MOGCHS wins inaugural Himugso 2026 drum and lyre tilt
Italian Film Festival 2026 brings movies by Paolo Sorrentino, Paolo Genovese, and leading contemporary Italian filmmakers to Manila

Article Inside Page


Showbiz News

Josh Ford


Successful ang operasyon na ginawa kay Josh Ford.

Pagkatapos ng successful eardrum and nasal operation, balik trabaho na ang The Secrets of Hotel 88 star na si Josh Ford.

Sa report ni Aubrey Carampel sa Balitanghali nitong Biyernes, June 19, sinabi ng aktor na nakakuha na siya ng clearance mula sa kaniyang doktor para sa light activities. Ngunit pag-amin ni Josh, aabutin pa ng ilang buwan bago tuluyan siyang gumaling at maka-recover.

“I had an ear surgery for my perforated eardrum ang ginawa po ng doctor, myringoplasty. Tinakpan lang po nila para I can finally swim or shower normally at mas better po yung hearing ko. And yung pala sa nose ko naman po is for my sinus. I had a polyps removal,” pagbabahagi ng aktor.

RELATED CONTENT: KILALANIN ANG CELEBRITIES NA MAY KAKAIBANG SAKIT

Noong March 2025 sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, ibinahagi ni Josh sa houseguest at host na si Gabbi Garcia na may dalawang butas siya sa eardrum. Pagbabahagi pa ng aktor, unti-unti nang nawawala ang kaniyang pandinig sa kaliwang tenga.

Bago pa pumasok sa Bahay ni Kuya, sinabihan na si Josh ng doktor na kakailanganin niyang paoperahan ito.

Ayon sa Cleveland Clinic, ang myringoplasty ay isang surgery para takpan ang butas ng ruptured na eardrum. Mayroon iba't ibang dahilan ang pag-rupture ng eardrum, kabilang na ang infection, biglang pagbabago ng pressure sa paligid, o kaya ay direktang injury dito.

Sa kaso ni Josh, nakuha niya ito noong maaksidente ang sinasakyan niyang sasakyan noong 2023 na ikinamatay ng tatlo niyang kasama, kabilang na ang aktor na si Andrei Sison.

Sa isang 2025 interview sa GMA News Online, ibinahagi ni Josh na pinag-iipunan pa niya ang pagpapaopera sa kaniyang eardrum.

“I'm still trying to save up for the surgery, and if I have time, sana magawa ko na rin,” sabi ni Josh noong nakaraang taon.