GMA Logo josh ford and gabbi garcia
Photo source: gabbi (IG), joshford321 (IG)
What's Hot

Josh Ford, emosyonal na ibinahagi ang kaniyang ear problems, pagmamahal sa ina

By Karen Juliane Crucillo
Published March 27, 2025 10:04 AM PHT
Updated March 27, 2025 10:23 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Tuba, Benguet police chief relieved from post due to lapses in Cabral probe —PNP
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

josh ford and gabbi garcia


Alamin dito ang naging emosyonal na pag-uusap nina Josh Ford at Gabbi Garcia:

Nagkaroon ng heart-to-heart talk ang Pinoy big Brother Celebrity Collab Edition host at house guest na si Gabbi Garcia at Josh Ford sa Bahay ni Kuya.

Sa kanilang pag-uusap, hindi napigilan ni Gabbi na maging emosyunal habang pinakikinggan ang kuwento ni Josh tungkol sa kaniyang problema sa pandinig matapos ang aksidenteng kinasangkutan nito.

"I can't go swimming. So, whenever I shower, I always wear an earpiece. Gusto kong ipagawa pero 'yun nga,” kuwento ni Josh. “I don't like asking my mom for money. I am sure my mom would help me naman. She just helped me with one.”

Sabi ni Gabbi habang siya ay lumuluha, “You're going to make me cry again. Ang bait mo naman.”

Natuwa si Gabbi sa pagiging understanding nito at kung gaano kamahal ng aktor ang kaniyang ina.

“But like the initiative from you na you don't want to ask, even though like hello ikaw na nga 'yung nahihirapan," pagbati ng aktres.

Ipinaalala ni Gabbi kay Josh na ipaayos na ang kaniyang earpiece. Sinabihan din niya ito na hindi masamang humingi ng tulong sa kaniyang ina.

Samantala, ibinahagi ni Josh na ang kaniyang ama ang tanging provider ng kanilang pamilya, habang housewife naman ang kanyang ina. Dahil dito, sinabi ng aktor na ayaw niyang dagdagan pa ang hirap ng kaniyang ina pagdating sa kaniyang ear problems.

“Ang bait bait mo. Nakakainis ka,” muling sabi ni Gabbi habang umiiyak.

Sa gitna ng kanilang emosyonal na pag-uusap, nabanggit ni Josh na nami-miss na niya ang kaniyang ina.

“Sobrang lambing ko sa mom ko noong nandoon ako sa UK. Ayaw ko nang natutulog mag-isa, gusto ko katabi ko mom ko even though old na," ikinuwento ni Josh.

Sabi ni Gabbi, "You don't want to give her the burden of the surgery."

Tugon ni Josh, “Oo, mahihirapan yung mom ko, e. Ako, kaya ko pa naman hangga't sa kaya ko."

Nagbiro naman si Gabbi na kapag nasa outside world na sila at nagkita sila sa GMA ay kukulitin nito ang aktor na tanungin kung naipagawa na nito ang kaniyang earpiece.

“You know, pwede mo din unahin yung sarili mo," seryosong pag-papaalala ni Gabbi kay Josh.

Patuloy pa niya, “I hope they will give you a big break that you deserve. 'Yung iba, ayaw naman nila yung ginagawa nila but ikaw you are here, you are hungry for more like you deserve a spot. I hope they see it because I see it, Josh, and I feel it.”

Kamakailan lamang, naikuwento ni Josh ang kaniyang aksidente kasama ang isa pang Sparkle actor na si Andrei Sison. Tanging si Josh lang ang nakaligtas sa nangyaring aksidente.

Sa pagpasok ng aktor sa Bahay ni Kuya, kinilala ito bilang "Ang Survivor Lad ng United Kingdom."

Simula namang pumasok si Gabbi bilang bagong house guest simula noong nakaraang linggo. Ang mga naunang house guest kay Gabbi ay ang Kapuso actor na si Mavy Legaspi at ang Kapamilya actress na si Ivana Alawi.

Samantala, kilalanin si Josh Ford dito: