GMA Logo Josh Ford
Courtesy: joshford321 (IG), raymondcauilan (IG)
What's Hot

Josh Ford, napaiyak at napahanga ang 'PBB Celebrity Collab Edition' housemates

By EJ Chua
Published March 13, 2025 1:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

The Donald J. Trump and John F. Kennedy Memorial Center for the Performing Arts
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Josh Ford


Naging emosyonal ang 'PBB Celebrity Collab Edition' housemates sa kwento ng first heartbreak ni Josh Ford.

Isa si Josh Ford sa Sparkle heartthrobs na sinusubaybayan ngayon ng viewers sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Sa isang parte ng ongoing program, napaiyak ni Josh ang karamihan sa kaniyang housemates nung ikuwento niya ang kaniyang buhay.

Ayon sa Survivor Lad ng United Kingdom, “Noong 2017 'yon, first heartbreak ko. That's when my Dad passed away.”

Paglalarawan ni Josh sa kaniyang ama, supportive ito sa kaniyang career sa showbiz.

“I see my Dad as my best friend. Natutuwa 'yung Dad ko na makita ako sa TV. Kinabukasan na nangyari 'yon, dapat may taping kami. 'Di natuloy, hindi ko kaya eh,” sabi niya.

Matapos marinig ang kaniyang istorya, tila hindi na napigilan ng Sparkle star na si Charlie Fleming ang pagtulo ng kaniyang luha.

Labis umanong nagulat si Charlie dahil hindi niya inakalang mayroon palang itinatagong matinding pinagdaanan noon ang kanilang masayahin na fellow Sparkle star na si Josh.

Ang house guest naman na si Ivana Alawi, naka-relate sa kwento ni Josh tungkol sa kaniyang ama at sinabing proud siya sa aktor dahil sa murang edad ay ipinakita pa rin niya ang kaniyang katapangan sa hamon ng buhay.

Kilalanin pa si Josh Ford sa teleserye ng totoong buhay.

Mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, weekdays 10:00 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.

Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Bahay ni Kuya sa All-Access Livestream ng programa.

Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.

Related gallery: Meet the Kapuso and Kapamilya hosts of 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition''