GMA Logo Josh Ford and Kira Balinger
What's Hot

Josh Ford, Kira Balinger, binansagang expensive love team

By EJ Chua
Published September 24, 2025 5:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Game 1 sang NCAA season 101 Men’s Basketball Finals, malantaw na sa Dec. 10 | One Western Visayas
24 Oras Livestream: December 8, 2025
A festive beauty pop-up opens in the South just in time for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Josh Ford and Kira Balinger


Patuloy na kinakikiligan ang ex-'PBB Celebrity Collab Edition' housemates na sina Kira Balinger at Josh Ford (KiSh).

Tila unstoppable ang kilig vibes na dala ng KiSh, ang tambalan ng Star Magic artist na si Kira Balinger at Sparkle star na si Josh Ford.

Viral ngayon sa TikTok ang latest video na in-upload ni Josh, kung saan game na game nilang ibinahagi ang kanilang version sa trend na "I'm sorry we're late, she's throwing a fit".

Mapapanood sa video na nakaupo si Josh habang naghihintay kay Kira at nang dumating ang huli, inirampa pa nito ang kanyang beauty at outfit.

Sa comments section, mababasa ang positive reactions ng fans at followers sa bago nilang collab para sa isang TikTok video.

Ayon sa ilang netizens, expensive love team daw talaga ang KiSh (Kish Balinger at Josh Ford) at tila natural ang kilig moments ng dalawa.

Sa kasalukuyan, mayroon ng 2.2 million views at mahigit 345,000 heart reactions ang bago nilang entry sa video-sharing application na TikTok.

@joshykosh101 I'm seated at the front row. @Kira 🌻 ♬ Originalton - donjeta


Sina Kira at Josh ay ex-housemates sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Nakilala sila sa naturang reality competition bilang Hopeful Belle ng Cavite at Survivor Lad ng United Kingdom.