
Looking forward na si Josh Ford sa nalalapit na finale ng suspense collab series ng GMA at ABS-CBN na The Secrets of Hotel 88.
Pinagbibidahan ito ni Josh kasama ang iba pang ex-PBB Celebrity Collab Edition housemates.
Sa interview kay Aubrey Carampel ng 24 Oras, ibinahagi ni Josh na marami pang nakakagulat na rebelasyon ang dapat na abangan kasunod ng pagkamatay ng mga karakter nina River Joseph at Klarisse De Guzman sa nasabing serye.
"Nalulungkot nga ako kaya nag-post ako sa Instagram ko. Malapit na, final week na lang ang natitira. Ang daming mangyayari. I'm so excited para makita ng mga Kapuso natin kung anong mangyayari," sabi ng aktor.
Sa Instagram, nagpaalam at nagpasalamat na si Josh sa kanyang karakter na si Justin Almazan. Ipinakita rin niya ang ilang behind-the-scenes mula sa set at masasayang moments kasama ang co-stars.
"'Til next time, Justin Almazan. Maraming salamat sa lahat ng alaala, aral, at saya na ibinigay mo sa akin. Sige na bro, maligo ka na," sulat niya.
Huwag palampasin ang finale week ng The Secrets of Hotel 88, 9:35 p.m sa GMA Prime. Mapapanood din ito sa Kapuso Stream, GMA Pinoy TV, TFC, iWant TV, at Kapamilya Online.
Related content: Josh Ford spends post-birthday at an elderly home with Kira Balinger