
Garantisadong mapapagiling at mapapakilig ang netizens dahil nagsama muli sina Josh Ford at Vhong Navarro para sa isang dance challenge!
Sa kanyang social media page, masayang ibinahagi ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition star ang kanyang bagong entry para sa “Don Romantiko” dance trend.
Pero sa pagkakataong ito, hindi lang siya ang napasayaw sa harap ng kamera. Kasama niya mismo ang It's Showtime host at orihinal na singer ng kanta.
"Maraming salamat po Kuys Vhong," caption ni Josh, na sinundan pa ng comment na,"Nakapag collab na din."
Mabilis namang pinusuan ang kanilang video na umani ng mahigit 150,000 views sa TikTok at 400,000 views sa Facebook.
@joshykosh101 Maraming salamat po Kuys Vhong 🙌 @Vhong Navarro ♬ Don Romantiko - Vhong Navarro
Kinunan ang kanilang dance collab nang bumisita si Josh sa It's Showtime, kung saan kasama rin niya ang kapwa PBB boys na sina Michael Sager, Emilio Daez, at Vince Maristela.
Matatandaang bahagyang nakasayaw na rin ni Josh si Vhong ng “Don Romantiko” sa programa noong July.
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.
Samantala, balikan ang iba pang Kapuso stars na bumisita sa It's Showtime sa gallery na ito: