GMA Logo josh ford
Source: joshford321/IG
What's Hot

Josh Ford, umasang makakabalik sa Bahay ni Kuya

By Kristian Eric Javier
Published May 20, 2025 5:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCSO: No winners in 6/49, 6/58 lotto draws on Sunday, Dec. 28
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News

josh ford


Handang-handa na sana bumalik si Josh Ford sa Bahay ni Kuya.

Nakabalik na sa loob ng Bahay ni Kuya sina Charlie Fleming at Ralph De Leon nitong Linggo, May 18, para sa big comeback nila sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition. Ngunit si Josh Ford, inaming umasa siyang makakabalik sa loob ng bahay.

Matatandaan na noong May 11, inanunsyo na mabibigyan ng pagkakataon ang former housemates na sina Charlie, Ralph, Josh, Kira Balinger, Ashley Ortega, at AC Bonifacio na pumasok muli ng Bahay ni Kuya.

Ngunit hindi pinalad si Josh na nakabalik matapos magdesisyon ang taumbayan sa pamamagitan ng pagboto kung sino ang gusto nilang makita muli sa loob ng bahay.

Sa pagbisita ni Josh sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, May 19, inamin ni Josh na umasa siyang makabalik siya sa loob ng bahay. Dagdag pa ng young actor, “I had high hopes to go back.”

Nang tanunging naman siya ni King of Talk Boy Abunda kung saan nanggagagaling ang kaniyang kumpyansa, sagot ni Josh, “Siyempre, sa mga sumusuporta po sa'kin.”

“Grabe po 'yung pagmamahal na binibigay nila sa akin and I really thought na I was ready to go back in, parang ganu'n po talaga 'yung iniisip ko. So, I was prepared,” sabi ni Josh.

Aniya, may babalikan pa siyang “uninished business” sa loob ng bahay, ngunit hindi na nagdetalye kung ano ito.

BALIKAN ANG ILAN SA MGA STYLISH LOOKS NI JOSH SA GALLERY NA ITO:

Isa sa mga dahilan kung bakit na-nominate at kalaunan ay na-evict mula sa Bahay ni Kuya si Josh ay dahil hindi umano siya gumagawa ng chores sa bahay.

Depensa ng young actor, “Masipag naman po ako e, kaya lang ang nangyari talaga, tuwing naghuhugas ako or gumagawa ng chores, hindi ko ginagawa sa harapan ng ibang housemates. I just do it if I have to do it.”

Dagdag pa ni Josh, kaya umano niya ginawa ang TikTok video niya na naglilinis ng bahay ay para mag-practice sa pagbabalik niya sa bahay ni Kuya.

“Parang practice ko na 'yun e. Para pagpasok, hindi ako magha-hide, Tito Boy. As in chores kaagad. Alam ko na po which is I just keep doing my chores and show them that I'm doing it,” sabi ni Josh.

@joshykosh101 Pwede na bang bumalik? #pbb ♬ оригінальний звук - піхва

Panoorin ang buong panayam kay Josh dito: