GMA Logo Joshua Garcia and Julia Barretto in Its Showtime
Photo by: Screenshot from 'It's Showtime'
What's on TV

Joshua Garcia at Julia Barretto, sino nga ba ang mas nagmahal?

By Aimee Anoc
Published August 11, 2024 4:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Tech innovator Dado Banatao passes away at 79
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Joshua Garcia and Julia Barretto in Its Showtime


Sino nga ba kina Joshua Garcia at Julia Barretto ang nagmahal nang sobra?

Hindi lamang ang ex-couple na sina Yurie at Dicon ang sumalang sa maiinit na tanong tungkol sa love sa "EXpecially For You" segment ng It's Showtime, kung hindi maging ang dating celebrity couple na sina Joshua Garcia at Julia Barretto, na bumisita sa noontime show noong Sabado, August 10.

Bumisita sina Joshua at Julia para na rin i-promote ang kanilang upcoming film na Un/Happy For You, na mapapanood na sa mga sinehan simula August 14.

Sa "EXpecially For You," sinagot nina Joshua at Julia ang tanong ng It's Showtime host na si Vice Ganda at guest co-host na si Bela Padilla kung nagmahal ba sila nang todo?

"Buhos, siyempre," nakangiting sagot ni Julia.

"Sobra, sobra. Buhos din," sagot naman ni Joshua.

Muli naman silang tinanong ni Vice Ganda kung naranasan na ba nilang "magpigil" na magmahal nang sobra pero wala silang nagawa.

"Hindi ko na-experience magpigil," natatawang sagot ni Joshua.

Ani Julia, hindi rin niya naranasang magpigil.

"Todo lang tayong dalawa," dagdag ni Joshua. "At saka that was the time na mga bata pa talaga kasi kami. So malala kami magmahal."

Isa pa sa tanong ni Vice Ganda na game na sinagot nina Joshua at Julia ay kung sino sa kanilang dalawa ang mas nagmahal?

Natatawang tiningnan nina Joshua at Julia ang isa't isa. Dito, muling tinanong ni Vice si Joshua kung naramdaman niya ba at some point na mas nagmamahal siya sa naging relasyon nila noon ni Julia.

"Naniniwala ako na at some point na darating 'yung panahon na isa na lang 'yong nagmamahal," sagot ni Joshua.

"Uy, hindi totoo 'yon," pagputol sa kanya ni Julia.

Pagpapatuloy ng aktor, "Pero ano din naman 'yon, kabaliktaran. Parang palitan."

Sumang-ayon naman si Julia sa sinabing ito ni Joshua. Ani aktres, "Parang may ganu'n. Kasi may seasons ang relationship lalo kapag matagal. May isang nagbabalik sa isa, [vice versa]. Ang importante nagmamahalan pa rin."

RELATED CONTENT: BIGGEST CELEBRITY BREAKUPS