GMA Logo Unbreak My Heart cast
Source: Eat Bulaga
What's on TV

Joshua Garcia, inilahad ang experience na makatrabaho ang mga artista sa Kapuso network

By Aedrianne Acar
Published May 27, 2023 4:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DSWD to reach out to more street dwellers amid holidays
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas

Article Inside Page


Showbiz News

Unbreak My Heart cast


Napanood n'yo ba Dabarkads ang pagbisita ng star-studded cast ng 'Unbreak My Heart?'

Tampok ang stellar cast ng Unbreak My Heart na special guest sa hit game show ng Eat Bulaga na “Bawal Judgmental” ngayong Sabado, May 27.

Nakisaya sa APT Studios sina Joshua Garcia, Bianca de Vera, Richard Yap, at Gabbi Garcia. Bibida rin sa grand collaboration na ito ng GMA-7, ABS-CBN, at Viu ang multi-awarded actress na si Jodi Sta. Maria.

Sa panayam kay Gabbi ng mga Dabarkads, sinabi nito na magaan katrabaho si Joshua na gaganap bilang Renz sa series.

Kuwento niya, “Sobrang masaya, kasi magkakilala na kami before pa. So, comfortable na kami sa isa't isa.”

“Oo, nagkakasama na kami before. So, parang nu'ng nagka-work kami nagkakilala lang kami in a much deeper way. So helpful.”

Para naman sa heartthrob na si Joshua, malaking bagay na nagsusuportahan sila ng cast noong nagsho-shoot sila abroad tulad sa Switzerland at Italy para sa Unbreak My Heart.

Lahad ng Kapamilya actor, “Ang hirap kasi mag-shoot sa ibang bansa,e. Alam mo 'yun maho-homesick ka rin and sila Gabbi, Jodi nandodoon kami para sa isa't isa, nagdadamayan din kami.

“So hindi kami nalulungkot, kaya masaya rin siya [Gabbi] katrabaho.”

Joshua Garcia on Bawal Judgmental

Source: Eat Bulaga

Inusisa naman ni Allan K si Joshua kung kamusta naman ang experience niya na nakatrabaho niya ang ilan sa mga artista sa Kapuso network tulad nina Gabbi, Richard, at Will Ashley.

“Sa akin parang walang pinagkaiba rin I mean lahat sila magagaling din naman umarte. And nagbibigay, very professional sa trabaho,” sabi ng aktor.

Dagdag ni Joshua, “Parang hindi ko rin masyado naramdaman and nung first time ko tumungtong sa GMA nung All-Out Sundays, lahat sila very warm 'yung welcome nila sa amin. Hindi namin naramdaman na bisita kami.”

Sa darating na Lunes, May 29, magsisimula nang ipalabas ang upcoming series sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies, 9:35 p.m., at sa GTV naman ay sa oras na 11:25 p.m.

Mapapanood din ito sa GMA Pinoy TV at TFC.

SILIPIN ANG ILAN EKSENA SA UNBREAK MY HEART WATCH PARTY: