
Marami ang humanga sa mga sagot at paliwanag ng The People Have Spoken celebri-peeps na sina Joy Barcoma at Baus Rufo.
Sa bonus round nitong Sabado (July 11), tinanong ang celebrity pair na sina Kris Bernal at Martin del Rosario kung ano ang tatlong bagay na ipa-prioritize ng People kung sila ang magiging presidente.
Ang napulsuhang sagot ng Team KRISMART ay libreng pabahay, mataas na suweldo, at trabaho.
Sang-ayon naman ang celebri-peep pair sa pagpili ng trabaho at libreng pabahay. Ngunit para sa ikatlong sagot, edukasyon ang kanilang pinili.
"Dahil 'pag ang tatlong ito ay nasa atin, mas madali nating makakamit ang mga mataas na suweldo," paliwanag ni Baus.
"Sabi nga ng Maslow's Hierarchy of Needs, meron tayong mga psychological na pangangailangan. 'Yun 'yung mga pabahay, edukasyon, tsaka trabaho," dagdag ni Joy.
"Next na lang doon is 'yung safety. Dahil mga Kapuso, kapag meron kang trabaho, edukasyon, nag-equip ka na ng skills, lessen na 'yung crime rates natin. Dahil ang krimen naman nangyayari usually dahil kulang sa pangangailangan 'yung mga taong gumagawa ng krimen."
Nang ihayag ang resulta ng botohan, lumabas na ang tatlong pinili ng People ay trabaho, edukasyon, at ligtas na komunidad.
Sa huli, nag-uwi ang Team KRISMART ng karagdagang PhP20,000, kaya umabot sa PhP 120,000 ang kanilang kabuuang napanalunan.
Subaybayan ang The People Have Spoken, tuwing Sabado, 6:15 p.m. sa GMA. Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa social media accounts ng GMA at YouLOL.
Available din ang buong episode at mga highlight clip sa GMANetwork.com at YouLOL official accounts.
Balikan ang behind-the-scenes ng The People Have Spoken pilot episode dito: